Hindi na ako makatingin nang diretso kay Kenzi pagkatapos noon.
May kung anong bumigat sa hangin na hindi lang dahil sa biglaang pag-alis ni Kuya, kundi dahil sa paraan ng pagtingin niya sa amin kanina. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa sa harap ng lahat.
At si Kenzi…
Tahimik lang siya, pero ramdam kong nag-oobserve siya. Parang binabasa niya ang bawat galaw, bawat reaksyon.
“Are you okay?” mahina niyang tanong, bahagyang yumuko para masalubong ang mata ko.
Napakurap ako, parang nagising mula sa malalim na iniisip.
“Yeah… I’m fine,” sagot ko, kahit halatang hindi.
He didn’t look convinced. Pero hindi na siya nagpumilit.
After dinner, nagpaalam na sandali sina Mommy at Daddy para kausapin ang parents ni Kenzi sa study room. Naiwan kami sa sala. Kami lang.
At biglang parang bumalik lahat.
Yung high school days.
Yung tawanan.
Yung mga simpleng bagay na dati, akala ko hindi na babalik.
“Ang tahimik mo na,” sabi ni Kenzi, nakaupo sa tapat ko. Nakasandal siya sa sofa.
“Ganun na siguro talaga pag tumatanda,” pilit kong biro.
He chuckled softly.
“Hindi naman ganyan si Ara na kilala ko,” sagot niya.
Natahimik ako.
“People change,” dagdag ko.
“Or… people just hide better,” sagot niya agad.
Napatingin ako sa kanya.
Diretso.
At doon ko nakita na hindi lang siya bumalik.
Parang may dala siyang tanong na matagal na niyang gustong itanong.
“Why did you stop replying?” bigla niyang sabi.
Napatigil ang mundo ko. Napalunok rin ako.
“After graduation… I tried to reach out. Pero bigla ka na lang nawala.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Hindi ko inaasahan ‘yon.
Hindi ko inakala na naalala pa niya.
“I was busy,” mahinang sagot ko.
“Busy?” ulit niya, bahagyang napangiti pero walang saya.
“For years?” Wala akong maisagot.
Kasi hindi naman talaga ‘yon ang dahilan.
“Something happened, didn’t it?” tanong niya, mas mahina na ang boses.
Hindi ko siya masagot. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang ibalik lahat. Kasi kapag ginawa ko… Baka masira lahat ng pilit kong binuo ulit sa sarili ko.
“Let’s not talk about that,” sabi ko, pilit na kalmado.
He studied my face for a few seconds.
Then slowly, tumango siya.
“Okay,” sabi niya. Hindi ko alam kung bakit mas kinabahan ako doon.
Biglang bumukas ang pinto sa sala.
Napalingon kami pareho.
Si Kuya.
Nakatayo lang siya doon, naka-cross ang arms, seryoso ang mukha.
“Pwede kitang makausap?” sabi niya. Hindi niya ako tinawag sa pangalan.
Pero alam kong ako ang kinakausap niya.
“Kuya—” magsasalita pa sana ako pero naputol nang magsalita ulit si Kenzi.
“It’s fine,” sabi niya, tumayo na.
“I’ll wait here.” Napatingin ako sa kanya.
“Are you sure?” then he gave me a small smile.
“Go.” Huminga ako nang malalim bago sumunod kay Kuya palabas ng sala.
Pagdating namin sa hallway, agad siyang huminto.
“Attracted ka pa rin sa kanya?” diretsong tanong niya.
Nanlaki ang mata ko.
“Kuya!” bulong ko, gulat at inis.
“What kind of question is that?” seryoso kong sabi sa kanya.
“Answer me, Ara,” mas madiin niyang sabi.
Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko.
“Hindi ko alam,” tapat kong sagot.
Mas lalong sumeryoso ang mukha niya.
“That’s not good.” kumunot ang noo ko.
“Bakit?” napataas ang boses ko nang bahagya.
“Siya yung ipapakasal sa akin, diba? Hindi ba dapat mas okay ‘yon?” Tumawa siya nang mahina.
“You think this is about that?” tanong niya.
“Then what is this about?” balik ko.
Lumapit siya sa akin, halos magkatapat na kami.
“Hindi siya safe para sa’yo.”
Natahimik ako.
“What?” halos pabulong kong sabi.
“You heard me,” sagot niya. “Stay away from him.”
Napailing ako.
“You’re not making sense.”
“Hindi mo siya kilala,” dagdag niya.
“Eh ikaw?” sagot ko agad.
“Kilala mo ba talaga siya?” dagdag kong tanong.
Tumigil siya.
At doon ko nakita yung bahagyang pag-igting ng panga niya.
“We’ve met,” sabi niya.
“Yun lang?” hindi ako kumbinsido.
Hindi siya sumagot agad.
At lalo lang akong kinabahan.
“Kuya…” mahina kong tawag.
“Trust me,” sabi niya.
Mas marami na akong tanong kaysa sagot.
“At kung hindi?” tanong ko.
Napatingin siya sa akin.
Matagal.
“Then I’ll make sure you do.” Nanlamig ang katawan ko.
Yun na naman yung tono niya.
“At kung siya ang piliin ko?” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na itanong ‘yon.
Saglit siyang natahimik.
Then he smirked.
“Then I’ll take you back.” Napatigil ako.
Nanlaki ang mata ko.
“Babawiin kita,” dagdag niya, halos pabulong.
At sa sandaling iyon. Naalala ko ulit ang gabing pilit kong kinakalimutan.
At bigla kong na-realize…
Hindi pa pala talaga tapos. Hindi pa pala talaga siya bumibitaw.