“W-What did you say?” tanong ko at baka mali lang ang pagkakarinig ko.
“I said, I loved you.” Sabay tingin sa akin ng deritso.
“M-Magkapatid tayo, Kuya. Oo, pumayag ako sa mga ginagawa natin. Pero ang mahal mo ako? Hindi yata pwedi ‘yon.” Sabi ko at natawa siya.
“Magkapatid? Hindi naman kapatid ang tingin ko sa’yo. You are a girl I’ve loved for a long time, Ara.” Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi naman siya lasing pero bakit ganito siya? Bigla siyang umamin sa akin.
“Kuya naman, hindi ako nagbibiro.” Matigas kong sabi.
“Me too, I am serious.” Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya.
Yes, I loved him. Matagal na. Pero pag iniisip ko ang mga magulang niya ay nagu-guilty ako. Hindi dapat pwedi itong nararamdaman ko para sa kanya.
“Kaya kapag ipapakasal ka nila? Babawiin kita.” Seryosong sabi niya at napatingin ako.
Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung alin ang mas malakas ang kaba sa dibdib ko o ang guilt na unti-unting sumisikip sa lalamunan ko.
“Kuya, tama na,” mahina pero mariin kong sabi.
“Huwag mo nang dagdagan. Magulo na nga.” Pakiusap ko sa kanya.
“Magulo lang ba?” tanong niya habang lumalapit ng isang hakbang.
“Or because you feel it too?” Napaatras ako hanggang sa muntik na akong mahulog sa pool! Bigla niyang hinawakan ang likod ko bilang suporta.
Kumabog ang dibdib ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin hindi bilang kapatid, kundi bilang lalaking matagal nang may itinatago.
“Hindi puwede ito. Anuman’ng sabihin mo, pamilya tayo.” Giit ko.
“You think hindi ko alam ’yon?” sagot niya, mababa ang boses.
“Every single day, nilalabanan ko ’to. Every single day, I keep telling myself na mali. Pero sa tuwing may ibang tumitingin sa’yo, pakiramdam ko I’m losing my mind.” Napalunok ako. Masakit marinig, pero mas masakit dahil totoo.
“Kuya…”
“Please, don’t call me that right now,” putol niya.
“Not now.” Natahimik ako.
Bumaba ang tingin niya sa akin at tila mas lalo akong nawalan ng lakas para umiwas. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko o pagnanasang pilit kong ikinakaila.
Bigla niya akong hinila sa likuran sa sobrang dilim. Biglang kumabog ang dibdib ko, iniisip ko siguro ayaw niya kaming mahuli nila Daddy. Kaya naisipan niyang dalhin ako dito sa likuran. May mga umiikot rin na mga kasambahay, baka makita rin kami pag sa pool area kami nag-uusap.
He pinned me at the wall and he suddenly kiss me! Bigla niyang itinaas ang dalawang kamay ko sa pader at hinalikan. Sobrang lalim no’n at wala akong magawa dahil malakas siya kumpara sa akin. Kaya ang ginawa ko, binawian ko na lang siya.
Hinalikan niya ako hanggang sa mapunta ang halik niya sa aking leeg. Umiinit bigla ang katawan ko, pero siya halik pa rin ng halik. Sabik na sabik siya! Itinataas niya pa ang damit ko pero kumalas ako sa halikan namin.
Pero mali ito. Maling-mali.
“K-Kuya,” tawag at pigil ko sa kanya.
“Ano bang gusto mong marinig?” tanong ko, nanginginig ang boses.
“Na mahal din kita? Na matagal ko na ring niloloko ang sarili ko?” Saglit siyang natigilan.
Maging ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko. Parang biglang nabasag ang pader na matagal kong itinayo.
“Ara…” halos pabulong niyang sabi, parang hindi makapaniwala.
“Pero guilty ako!” mabilis kong dugtong.
“Kasi mahal ko sina Mommy at Daddy. Hindi nila deserve ito. Sila rin ang nagpalaki sa akin! Hindi nila deserve na lokohin natin sila.” Hindi siya nagsalita at naaninag ko lang ang seryoso niyang mukha.
Kita ko ang pagpipigil sa mga mata niya, parang gusto niyang magsalita pero pinipili niyang lunukin na lang ang galit at sakit.
“Kuya, please.” Pagmamakaawa ko dahil ayaw ko na mas guluhin pa ang sitwasyon. Kailangan ng magulang niya ang sakripisyo ko. Hindi ba niya maintindihan ‘yon? Ginagawa ko ito para sa magulang niya.
“No. Basta pag pinakasal ka, babawiin kita.” Pagkasabi niya ay bigla niya akong iniwang nakatulala.