Hindi na hinintay pa ng ina ni Cai ang aking sagot. Nakatingin lang ako sa kaniya nang kuhanin niya ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na ito. Nasasabik ako pero may takot. Ang gulo sa aking isipan ay hindi nawawala. Sa pag-uusap namin kanina ay marami na siyang sinabi na mahirap para sa akin na paniwalaan. Nakabalik na ang alaala ni Cai, nakauwi na ito sa Pilipinas. P-Paano? paano naman akong maniniwala kung ibang-iba ang mga naramdaman ko. Hindi ako naniniwala dahil alam kong hindi ito gagawin sa akin ng taong mahal ko. Iiwan ako ng walang paalam, aalis ng hindi sinasabi pagkatapos ng mga nangyari. Cai will never do that, his words made me feel like we will live together here, if I wanted to stay here longer he will too. Pinanatag niya ang isip

