Ang aking mga mata ay hindi ko iniaalis sa kaniya. Pakiramdam ko sa oras na gawin ko iyon ay anumang oras mawawala siya sa aking paningin. Kanina nang makita ko ang sakit sa mukha ni Cai nang malaman niya na narito ako dahil kay Sancho ay matinding takot ang aking naramdaman. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at sasabihin dahil sa galit na nakita ko sa kaniya. Takot... Matinding takot ang lumukob sa akin at akala ko ay hindi na kami magkakaayos pa. Akala ko ay tuluyan na siyang makakaalis ngunit nagkaroon ako ng pag-asa. "Cai," mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. “You are mine, Lizianna. Sa akin ka.” Tumango ako. "Kahit... kahit kailan ay hindi ako magiging pagmamay-ari ng iba..." Gumalaw ang kaniyang mga kamay. Humawak at humaplos iyon sa aking mga hita. Itinuon niya an

