BOOK I title: YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes (ITALY) BOOK II title: Eternally Yours (PHILIPPINES) Maria Lizianna Napaunat ako ng aking mga binti. Ang ngiti sa aking mga labi nang ako ay magising ay hindi pa rin nawawala. Ilang minuto na ba ang nakalipas nang magising ako? siguro ay lima na. Nakakapanibago. Paano ang gumising sa akin ay ang tunog ng mga ibon sa labas, ang huni. Ang pagtilaok ng mga manok at ang mga puno sa mga dahon na hinahangin. Siguro ay ang nanay ang nagbukas ng aking bintana para pumasok ang sariwang hangin. "Hmm!" Aahhh... ang sarap sa pakiramdam. "Good morning, Pilipinas..." It was indeed great. Kahapon nang dumating ako ay alas siyete na ng gabi. Hinding-hindi ko pa rin makakalimutan ang gulat sa mukha ng aking pamilya. Napaluhod pa nga ang aking nanay.

