IT WAS Elaine Buenaventura. Nakaawang ang labi nitong nakatingin sa dalawa habang tila nais nitong isarang muli ang pinto dulot nang pagkapahiya. "I'm sorry, sir? Nakaistorbo po yata ako?" Hindi maipaliwanag ang mukha nito nang umpisang magsalita. Batid nitong naabutan na magkayakap ang magkasintahan at hindi nito iyon nagustuhan. "What do you want, Elaine? You should knock the door first before entering this room," sinserong sabi ni Thyrone at kalauna'y napalunok si Elaine ng ilang beses, dahil kaharap niya ang lalaking gusto niya at ang babaeng kinaiinisan niya. At mula sa k'wartong iyon ay makikita ang tensyon sa pagitan ng tinginan nina Elaine at Gethca. Subalit taas noo pa rin na sumagot si Elaine upang sandaling makalimutan ang kaniyang pagkapahiya. "Ah-- I just want to give this

