Chapter 5

1766 Words
"What is the meaning of this?" Parehas silang napabitiw sa pagkakayakap at napatayo upang harapin si Ivory. "What are you doing here, Ivory?" malamig na pagkakasabi niya rito. Ayaw niya talagang makita ito pero pilit pa rin ipinagsisiksikan ang sarili nito sa kaniya. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?!" balik tanong nito sa kaniya habang itinuturo nito si Gethca. Subalit wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya kung kaya't nag-rolled eyes lamang ito habang naka-crossed arms habang sinasabi ang mga katagang, "My goodness, Thyrone! Why are you wasting your time for that cheap woman!" Napaawang ang bibig ni Gethca sa mga narinig. Hindi siya makapagsalita at doon nag-umpisang manginig nang mabilis itong nakalapit sa kaniya. "Stupid!" sigaw nito subalit napaatras naman ito sa gulat nang akbayan siya sa balikat ng binata. "Could you please shut up?! Wala kang karapatan na husgahan si Gethca. You are just seeing what you see, and not the whole story," mariing pagkakasabi ni Thyrone rito dahilan para manahimik na ito. "Well, it's just a waste of time. Magsama kayo!" Tatalikod na sana si Ivory sa kanila ngunit mabilis na na nahawakan ni Thyrone ang braso nito. "Ah!" sigaw ni Ivory matapos magdulot ng tunog ang takong ng heels niya. "I'm warning you, Ivory, cause the moment that you're trying to get hurt Gethca again.. ako na ang makakalaban mo." Halos manlisik ang mata ni Thyrone sa galit habang si Ivory ay namimilog ang mga mata sa mga salitang binitiwan nito. Pero nagtapang-tapangan pa rin ito at nagkunwaring hindi naapektuhan sa mga sinabi ni Thyrone, "Let's see," sagot nito at saka padabog na umalis ng condo. Napabuntong hininga si Thyrone nang makaalis si Ivory at bumaling muli kay Gethca ang atensyon niya na halatang hindi pa rin maka-get over sa mga nangyari. He hopes that the girl in front of him is totally okay. At sana ay hindi nito gawan ng double meaning ang mga sinabi niya kay Ivory. Saglit silang nagkatitigan bago pa siya nakapagsalita, "I think, you need to go home now. Baka kung ano pa ang isipin sa office kapag nabalitaan nilang magkasama tayo ngayon dito sa condo ko." Lumapit siya sa dalaga na hindi pa rin makapagsalita. Pero bago pa man siya magpasyang pauwiin si Gethca ay inalok niya na ito ng pabor. "Is it okay if I escort you to go home?" At tila hindi siya napahiyang mapapayag ang dalaga dahil napatango naman ito at hinayaang makalapit siya muli rito. "Good," wika pa niya habang bininigyan niya ito ng maaalahaning tingin. Saka nagpasyang paunahin na itong makababa dahil ila-lock pa niya ang sariling condo. Hindi niya maintindihan kung bakit mabilis nitong napapalambot ang puso niya. Naisip niya na baka awa lang ang nararamdaman niya para rito, dahil alam niya sa sariling.. minsan niya na rin itong sinaktan. - On next day, ay pilit kinakalimutan ni Gethca ang mga natuklasan kagabi. Pinilit niyang aminin sa sarili na wala siyang nakita at narinig. Mabuti na lang at day off niya, kung hindi ay baka nadala na niya ang emosyon na iyon sa trabaho. At kung minsan nga naman ay sadyang mapagbiro ang tadhana. Dahil kahit anong iwas niyang isipin ang nangyari ay may senaryo pa ring makakapagpaalala rito lalo na kapag nakikita mo ang taong 'yon. "Good morning, Gethca!" pagbati ni Devine sa kanya nang madatnan niya ito sa may salas. Pero kahit gano'n ay pinilit niyang ngumiti at mag-pretend na parang walang nangyari. "Good morning, Devine.." "O, bakit ganiyan ang itsura mo?" Napalingon siya ritong muli dahil hindi pa rin siya nakaligtas sa tanong ng kaibigan. "Wala 'to," kaswal at tipid na sagot niya. Tumabi ito sa kaniya at napatitig kung kaya't bahagyang napakunot ang noo niya. "Saan ka nga pala nanggaling kagabi at late ka na umuwi?" Tumingin pa siya sa pinapalamanang tasty bread at sumagot, "I'm with my boss." Hindi pa man natatapos ang ilang segundo matapos niyang sabihin 'yon ay mabilis siyang napalingon dito nang nagtitili ito sa kabuuan ng apartment. "Really?" Agad niyang naisip ang nangyari kagabi. Ang pagyakap ni Thyrone sa kaniya at ang pagiging maalaga nito na tila bago sa kaniya. At hinihiling niya na sana ay lagi itong ganoon sa kaniya. Para naman mapawi ang pagkailang na nararamdaman niya sa tuwing kaharap ito. Dahan-dahan siyang napatango kaya mas lalo itong kinilig at sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay agad na tumunog ang cellphone niya. From +63917******* Goodmorning, Gethca! Are you free today? -Thyrone. Animo'y biglang nagkarerahan ang kaniyang puso sa bilis ng t***k niyon nang dahil sa mensaheng iyon. "Omg, Gethca! Speaking of--" napapahalukipkip na sabi ni Devine na bahagyang ikinangiti niya bagama't hindi pa rin maikukubli ang pagkadismaya niya para sa kaibigan. Sa sandaling iyon ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang cellphone at hindi pa man siya nakaka-reply dito ay tumunog na naman ito. I'll be picking you up later. Thanks. "What the?" Ayon lang ang nasabi niya sa sarili dahil ayaw niya ng mga ganitong eksena, 'yong pabigla-bigla. "Anong gagawin ko?" Hindi niya alam na nasabi niya sa kawalan ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "Yieee! Akong bahala sa'yo, friend!" Natigilan siya sandali sa pagtawag nito sa kaniya. Sandali niya kasing naisip ang nangyari kagabi pero agad niya rin sinubukang huwag iyong isipin. Two hours later ay agad na tumunog ang doorbell na ikinakaba niya. "Siya na yata 'yan, friend," wika ni Devine. Habang pilit niyang pinapakalma ang sarili bago pa man humarap sa binata. "Sigurado ka bang ayos lang ang itsura ko?" wala sa sariling tanong niya. Sandali niya munang kinalimutan ang tampong nararamdaman sa kaibigan. Samantala, ay nagpresintang ihatid siya ni Devine sa gate. Ramdam niya na wala namang nagbago sa pakikitungo nito sa kaniya. Pero hindi niya alam kung napapansin nito ang pagiging malamig niya. "Mag-iingat kayo, hah?" Napatango siya at tipid na ngumiti subalit muli na naman itong nagsalita, "Sandali, hindi ko pa nakikita ang boss mo." Sumilip-silip pa ito sa bintana ng kotse pero nabigo ito dahil tinted ang salamin nito. "Next time na lang, sige ah," hindi kampanteng wika niya rito dahil baka nagmamadali na rin ang boss niya. Malay ba niya na kung business matter ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nakipagkita. Nang makasakay siya sa loob ng kotse ay nadatnan niyang kakaiba ang reaksyon ni Thyrone nang makita ang kaibigan niya. Marahil ay naiisip nito ang ikinuwento niya kagabi. "Let's go?" tanong nito sa kaniya na ikinabigla niya dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. "Saan po ba tayo pupunta, sir?" "Gusto mong makalimot, 'di ba?" Sandali siyang natigilan nang marinig 'yon at dahan-dahang napatango. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinawakan nito ang kamay niya. "You know what, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip kung paano kita matutulungan sa problema mo." Tila nagkarerahan na naman sa pagtibok ang kaniyang puso. Hindi niya inaasahang maririnig iyon sa binata. "Kaya naisip ko na ipasyal ka.." Nakangiti itong humarap sa kanoya at saglit na natigilan dahil sa nahuli siya nitong nakatitig sa binata! Kaya naman agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa bintana ng kotse kung saan ay makikita ang madadaanan. Hindi niya kasi maitatangging may isang tao siyang naaalala sa tuwing nakikita ang boss niyang si Thyrone. Kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang alaala na lalong magpapakirot ng dibdib niya. Flashback.. Kausap ni Tyler ang kaibigan nitong si Johann nang dumaan siya sa harapan nito. "Hi, Gethca!" bati sa kaniya ni Johann. Napasulyap naman siya sa crush niya na walang emosyon na nakatingin sa kaniya. "Uy, Tyler! Hindi mo ba babatiin ang wife mo?" Kaya inis namang tumingin sa kaibigan si Tyler. "H-hi," tila napipilitang bati nito sa kaniya pero para sa kaniya ay halos mag-umapaw na sa saya at kilig ang puso niya. Nagsimula kasi ang pang-aasar sa kanilang dalawa nito nang minsang gumanap silang mag-asawa sa isang presentation sa school. Magkaklase sila ni Tyler kaya simula't sapul ay na-inlove na talaga siya rito. Pero isang araw ay nagkasabay silang umuwi ni Tyler, labis na nagtatalon ang kaniyang puso sa saya, pero hindi niya akalain na ito rin ang araw na labis na makakapagpadurog sa puso niya. "Gethca, may sasabihin kasi ako sa'yo, e.." "Ano 'yun?" umaasa siyang magtatapat ito ng pag-ibig sa kaniya. "Gethca.. p'wede bang tigilan mo na ang pag-aasta na totohanin ko ang pagiging husband sa'yo? Hindi kita gusto, okay? Naiintindihan mo ba 'yun?" Unti-unting nadurog ang kaniyang puso sa mga narinig gayundin ang unti-unting pagpatak ng luha sa kaniyang mata. Kaya matapos ang araw na iyon ay kinamuhian at pinilit niyang kalimutan si Tyler. Si Tyler na kaisa-isang taong minahal niya ay ang siyang unang nanakit sa damdamin niya. End of Flashback.. Natigilan siya nang mapuna ang pamamasa ng kaniyang mata na dulot ng luha. Umiiyak siya. At hindi niya maintindihan kung bakit bigla niyang naalala iyon kahit na minsan niya nang naisip na may pagkakahawig si Thyrone sa taong minahal niya. Hindi niya alam kung dapat pa ba niya iyong maramdaman, dahil sa katauhan ni Thyrone ay malayong-malayo iyon sa Tyler na minahal niya. Kaya mabilis siyang napailing sa isiping iyon. "Gethca? Mukhang malalim ang iniisip mo.. are you okay?" Dali-dali niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mata bago hinarap si Thyrone. "Umiiyak ka na naman? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong ka--" tila natigilan ito sa sasabihin sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Nandito na tayo," pag-iiba nito ng usapan kaya napasulyap siya sa binata. Nagpunta sila sa isang art museum. Maganda, maaliwalas at maayos ang ambiance ng lugar na iyon kung kaya't hindi maiwasang mamangha ni Gethca. Mababait at approachable rin ang mga staffs doon. "Good morning, ma'am & sir!" bati ng isang staff don. Binigyan naman nila ito ng ngiti. Hanggang sa huminto sila sa tapat ng mga paintings. "Kapag mabigat ang kalooban ko, nagpupunta ako rito," k'wento pa ni Thyrone habang nakatingin siya sa mga paintings. "Malaki ang naitutulong ng mga paintings sa akin, Gethca." Napalingon siya sa boss niya na ngayon ay hindi niya akalaing nakatingin na sa kaniya. Napatango siya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad pero hindi niya akalaing hindi pa pala tapos magsalita si Thyrone habang siya ay nakikinig lamang. "Bawat paintings ay may k'wento.. kaya katulad ng mga paintings ay nais kong ma-appreciate mo ang ginagawa ko. Hindi ko man masabi sa'yo ang buong k'wento pero ang nakikita mo ngayon sa harap mo ay totoo-- na ang nais lang ay mapasaya ka.." Hindi niya alam kung paano magre-react sa mga binitiwang salita ni Thyrone. May pagkamisteryoso ang pagkatao nito na hindi niya maintindihan at parang may kung anong nag-uudyok sa kaniya na alamin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD