"OH, bakit ganyan ang itsura mo?" bungad sa kaniya ng kaibigan nang makauwi siya ng apartment. Subalit napabuntong hininga na lang ito dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Lumapit pa ito sa kaniya kung saan ay naroon siya nakaupo sa may sofa at tila tulala sa kawalan. "Alam kong may tampo ka sa akin, friendship. These past few days kasi ay ramdam ko ang pag-iwas mo sa akin. Pero hayaan mo naman sana akong bumawi sa'yo, oh.." Sandali itong napatigil sa pagsasalita nang magbadya siyang lumingon kahit kalahating bahagi lamang ng mukha ang makikita nito sa kaniya. "Alam kong naging mapusok ako.. at aminado ako sa naging kasalanan ko.. pero sana hindi maging dahilan 'yon para matapos ang friendship natin," pagsusumamo nito na tuluyang ikinalingon niya sa kaibigan.
Para kay Gethca, ay hindi big deal ang nalaman niya dahil wala naman puwang sa puso niya si Lei. Simula kasi nang makausap niya ito ay hindi na ito muli pang nangulit sa kaniya. Kaya para sa kaniya ay nakalimutan na niya ang nangyari. Ang inaalala niya lang ngayon ay ang patuloy na pagpintig ng kaniyang puso at kirot na nararamdaman sa presensyang idinudulot ni Thyrone sa kaniya. But for some reason ay inaalala niya rin ang magiging reputasyon ni Devine sa pananaw ni Lei gayong mabilis nitong nakuha ang kaibigan niya.
"Wala na iyon sa akin, Devine, ang sa akin lang ay sana, hindi si Lei," seryoso niyang sabi.
"Friend, alam kong--"
"No, walang kaso sa akin kung niligawan niya man ako. Hindi natin alam ang takbo ng bawat tao, lalo na si Lei. Paano kung ipagmalaki no'n sa iba na mabilis ka niyang nakuha? Dev, I'm just worried about you, for your own sake."
"I-i understand, I'm so sorry talaga.." naluluhang wika nito. Dahilan para mapatango lang siya habang nakangiwi.
"You're already forgiven," kaswal na sabi niya. Doo'y nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Animo'y nagpapakiramdaman sila na magyakapan ngunit sa huli ay nagsalubong ang kanilang mga braso at tinanggap ang yakap ng bawat isa.
Samantala ay nakailang busina na si Thyrone sa tapat ng apartment ni Gethca pero hindi man lang ito nag-atubiling lumabas upang silipin siya.
Kaya nasa ganoon silang posisyon nang magpasyang sumilip sa bintana si Devine at nanlaki ang mata niya nang makita ang pamilyar na kotse na iyon na walang iba kundi kay Thyrone.
"Friend! He's there!" kinikilig nitong sabi sa kaniya. Subalit napasimangot lamang si Gethca na animo'y hindi interesado sa nalaman. Napa-crossed arms naman si Devine at biglang may na-realized sa ilang segundong lumipas. "Alam ko na kung ano ang dahilan ng pagmamaktol mo riyan." Binigyan pa siya ng kaibigan nang mapanuksong tingin. At nang sinentro niya ito ng tingin ay hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, "Sabi ko na nga ba, e, in-love ka na sa boss mo.." Doon siya napatayo at walang sabi-sabing nilisan ang salas. "Wait, saan ka pupunta? Hindi mo man lang ba ikuk'wento ang nangyari sa inyo?" Napakunot ang noo ni Gethca sa narinig.
"Walang nangyari sa'min," pormal niyang sabi.
"I know, Gethca, please don't get me wrong, huwag ka ngang green minded diyan! Hindi iyon ang point ko, okay? Gusto ko lang malaman kung bakit ka nagmamaktol diyan at kung siya man ang dahil--" Natigilan na ito sa sasabihin dahil nagawa na niyang magsalita.
"Dahil hindi ko na siya p'wedeng mahalin.." Doon nagsimulang magbadya ang luha niya.
Ilang sandali pa ay tumunog ang doorbell. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay may bisitang hindi nila inaasahan.
"Ako na ang magbubukas," pagpi-presinta pa ni Devine. At hinayaan niya naman itong makababa. Hindi niya alam kung bakit tila may nag-uudyok sa kaniya na sundan ang kaibigan. Kaya naman mula sa taas ay natanaw niya ang reaksyon ni Devine nang pagbuksan nito ng gate si Thyrone.
Animo'y parehas itong nabigla sa isa't isa at hindi nagawang magsalita.
Samantala'y napahinga naman ng malalim si Devine bago magsalita. Ilang taon na rin ang lumipas at sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang alaala ng nakaraan. Hindi siya maaaring magkamali, si Tyler ang nasa harapan niya! Maaaring nagbago ito at mas naging manly ang pangangatawan pero alam niya sa sarili na kilala niya ito.
Ilang segundo rin silang nanatiliny tahimik. Habang pinamamasdan niya ang kabuuan ng binata.
"Ikaw ang boss ni Gethca?"
"Ah, yes. I'm looking for her. By the way my name is Thyrone Miller. And you are?" Halos hindi na siya makapagsalita dahil mukhang nagkamali lang siya ng akala. Pero nagtataka pa rin siya nang magtama kanina ang paningin nila, dahil halata sa itsura nito ang pagkabigla. "Miss?" tanong nitong muli sa kaniya.
"Ah-- pasok po, sir." Nang mauna ito sa paglalakad sa kaniya ay hindi maiwasang mapatingin siya sa likuran nito. Hanggang sa makaakyat sila sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kanilang room. Hindi niya lubos akalain na may mga taong hindi lang magkamukha kundi magkaboses din.
Pinatuloy niya sa apartment ang binata at hindi maiwasan sa sarili na isipin kung paano nangyari ang lahat ng ito?
At sa tuwina ay naitanong niya sa sarili, "Bakit magmamahal lang din naman ang kaniyang kaibigan, ay sa kamukha pa ng taong nanakit sa kaibigan niya?"
Gayunpaman ay hinayaan niya na muna ang dalawa na makapag-usap. Nanatili siya sa k'warto habang pinakiraramdaman ang dalawa.
Parehas tahimik ang dalawa habang nakaupo sa may sofa.
"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni Gethca sa binata.
"I'm here just to say.. some-- ah-- sorry." Ayon na lang ang nasabi ni Thyrone, bagama't nais niyang sabihin ang lahat kay Gethca pero nawala ang lakas ng loob niya nang magkita silang dalawa ni Devine kanina.
Dahil alam niyang magiging hadlang lang ito sa pagtatago niya sa kaniyang pagkatao, at sa tingin niya ay hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan iyon.
"You're forgiven," sagot ni Gethca na ikinabigla ni Thyrone.
"Really?" Napatango ang dalaga habang nakangisi.
"But I have a favor for you.." sabi pa nito.
"Go on," aniya.
"P-please let me free. Iwasan mo na lang ako at iiwasan na rin kita. Siguro mas mabuti na 'yon para hindi ako makasira ng isang relasyon." Parang tinusok ng paulit-ulit ang kaniyang puso sa sinabi ni Gethca. Pero wala na siyang magagawa dahil malinaw ang pagkakarinig niya sa naging pakiusap nito.
"Gethca--"
"Umalis ka na," pagtataboy nito sa kaniya.
May magagawa pa kaya siya kung ito na ang nais mangyari ng dalaga?
Napabuntong-hininga siya bago tuluyang makasagot. At hindi niya rin inaasahan ang kusang lalabas sa bibig niya, "Pero sa maniwala ka man o hindi, Gethca, mahal kita."