"Magandang araw po, tito at tita.." nakangiting bungad ni Thyrone bago pa man sila tuluyang pumasok sa loob, subalit wala man lang siyang narinig na kahit na anong sagot sa mga ito. Batid naman nilang mag-asawa ang pagiging cold ni Aleng Gemma habang si Mang Bernard naman ay abala sa pagpapakain ng mga alagang manok. Anila'y mukhang hindi man lang nito pinaunlakan ang pagdating nilang mag-asawa. Ngunit sa kabila niyon ay sinubukan pa rin ni Gethca na kunin ang kiliti ng kaniyang ina kahit abala ito sa pamamalantsa. "Kumain na ba kayo, ma?" pagsisimula ni Gethca sa usapan. "Oo, kumain na kami. Kung nagugutom kayo ay maghain na lamang kayo at may ginagawa ako." Sandali silang nagkatinginan mag-asawa sa isa't isa. Marahil ay nagutom nga sila sa biyahe pero mabuti na lang at nakapagdala sil

