Chapter 3

1399 Words
Pinag-aralan at pinaghandaan talaga ni Gethca ang report niya sa boss niyang si Thyrone. Nasa meeting room na sila ngayon at nasa harapan na niya ang mga ka-officemate niya. Mapanghusga ang mga mata nito kaya lalo siyang kinabahan. Sinimulan na niyang buksan ang monitor at ang projector at hinanap ang file na kaniyang ipi-present. Nakailang pagbuntong hininga na muna siya bago pa man magsimula. "In my own perspective, we should always recognize the ability of manpower, even if it's only few or huge. At least, at the end of the day, we give the full satisfaction of our clients," sabi niya at kapansin-pansin ang pagkuha niya ng atensyon sa lahat, na nakikinig nang mabuti at napapatango. Sanay naman siyang humarap sa mga tao pero ang titig sa kaniya ng boss niya ang nagpapakaba sa kaniya. Animo'y may ibang pahiwatig ang bawat tingin nito, pero hindi siya nagpaapekto. "Due to the public demand, we should always justify the credibility of our company, in order to build a good relationship with our clients. We could ask them on what they want or what is more comfortable-- with this strategy, we would have the loyalty of them and it might brought us to develpment, in a way of commending us with other clients." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay doon lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Tila nabunutan siya ng tinik. At maluha-luha siya nang bigyan siya ng isang masigabong palakpakan. "You did a great job, Ms. Silvestre," papuri ni Mrs. Gomez sa kaniya habang napapatango na lang sa bilib si Thyrone. He can't believe that this girl is totally full of package, beautiful, sexy and smart. So, how rude he is if his do not recognize it at the beginning? "Because of that, I will treat your lunch," nakangiti niyang sabi sa lahat. "Wow, sir! Good mood ka yata?" sabi ni Elaine. "I'm just impressed." At saka siya tumingin kay Gethca na mas lalong nagpakaba sa dalaga. Samantala'y kakaibang tingin naman ang ipinukaw sa kaniya nina Elaine at Jojie, na isa sa mga ka-office mate niya mula sa treasury department. Nang lunch break ay tinupad nga ni Thyrone ang sinabi niya. Nakapili na ang lahat subalit si Gethca ay hindi pa rin makapili, dala siguro iyon ng matinding kaba na bumabalot sa kaniya. "What's yours?" baling nito sa kaniya. Magkatabi kasi sila sa upuan ni Thyrone at mas lalo siyang kinakabahan sa presensya nito. "You okay? Tapos na ang presentation mo, and I must say, it's wonderful," wika pa nito. Napatango-tango siya at hindi alam ang sasabihin. Tila pinag-aaralan ang reaksyon ng kaniyang boss, minsan masungit at minsan mabait. Pero kailangan na niyang masanay. Ibinaling na lamang niya ang pagpili sa menu. "Number three na lang po." "Okay, how about you?" baling naman nito kay Jojie, ang bakla na may pagpapantasya rin kay Thyrone. "Ikaw na lang, sir? Char!" pagbibiro niya kaya nagtawanan ang lahat. Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang kanilang order. "Oh, kumain lang kayo ng kumain ah," nakangiting sabi ni Thyrone sa lahat. "Siyempre naman, sir.. minsan lang kaya 'to." sabi ni Elaine. Sumulyap siya kay Gethca na tahimik lang. "Oh, Gethca? Bakit ang tahimik mo? Kinakabahan ka pa rin ba?" Agad na napalingon ang dalaga. "Ah eh--" natigilan niyang sabi. "Alam ko na, naiilang ka? Naku! Huwag kang mahiya sa amin. 'Di ba, guys?" dagdag pa nito at saka sabay-sabay silang nagsitanguan. "Salamat," maikli niyang sagot. Matapos nilang kumain ay nagpasya na muna si Gethca na magbanyo upang mag-retouch. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagiging conscious na siya palagi sa sarili niya. Gusto niya palaging maganda, sexy at kapansin-pansin. At dahil lang 'yon sa boss niya na hindi niya maintindihan kung may split personality dahil sa pabago-bagong ugali nito. At nasa ganoong sitwasyon siya nang pumasok din si Janna. "Uy girl, kamusta?" bungad nito sa kaniya. Ngayon lang ulit kasi nagkita dahil hindi ito kasama sa meeting. "Okay naman," tipid na sagot niya. "Hinatid ka ba ni sir kagabi? Yieee!" panunukso pa nito. Nanlaki ang mga mata niya at kaagad niyang tinakpan ang bibig nito. "Uy, huwag ka ngang maingay, baka may makarinig sa'yo isipin pa na--" Napatigil siya sa katotohanang may gusto siya sa boss niya, simula nang una niya itong makita, bagama't nakikita niya rito ang itsura ng dati niyang minahal. "See? E, mukha naman attracted ka sa kagwapuhan ng boss natin!" tumili-tili pa ito sa loob ng banyo. Si Janna lang ang nakakausap niya sa mga ganitong bagay kahit pa sa maikling panahon lang na nakilala niya ito. Ito rin ang madalas niyang kasabay umuwi. "Naku tumigil ka nga, Janna. Kahit naman magkagusto ako sa kaniya ay imposibleng magkagusto sa akin 'yon." Ngingiti-ngiting tumingin ito sa kaniya. "Oh, bakit ganiyan ka kung makatingin?" "Kinikilig ako, girl. Isipin mo nga, sa sobrang sungit ng boss natin, nagawa kang ihatid at take note, tinanggap niya ang numero mong ibinigay ko sa kaniya! At isa pa.. ngayon lang ulit kaya siya ngumiti," masayang wika pa nito. "Ano?" gulat niyang tanong. Agad niyang naalala ang isang unknown number na nag-text sa kaniya kagabi. "Teka.. so ibig sabihin.. siya ang nag-text sa akin?" "Oo, girl! Ibinigay ko ang number mo in case na ma-r**e ka. Isang tawag mo lang, nandoon na siya!" pilyang anito at binatukan niya ito dahil sa kabaliwan. "Baliw ka talaga, Janna," napahakipkip pa siya sa kakatawa. Natawa rin si Janna bago magsalita, "Tara na nga at malapit na tayong mag-back to work," pang-aaya nito. Natatawa silang lumabas ng comfort room nang may makabangga siyang babae. Maganda ito, matangkad, makinis, mukhang mayaman at halatang sosyalin. "What the--" Natigilan ito nang magtama ang kanilang mga mata. Pinulot niya ang bag na nahulog nang makabangga ito. "Gethca, mag-sorry ka sa kaniya," bulong sa kaniya ni Janna na tila iginagalang ang babaeng nasa harapan niya. "I'm sorry po. Hindi ko po--" "What? Hindi sinasadya? Bago ka lang ba rito at hindi mo ako kilala?" mataray na sabi nito na halos manlisik ang mata sa pagkainis. "Sandali po, Ma'am Ivory. Siya po si Gethca, ang bagong secretary ni Sir Thyrone," sabat ni Janna sa usapan. Nanlaki naman ang mata ng babaeng nasa harapan niya at tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. "So, ikaw pala ang bagong secretary ni Thyrone. Look at you, you look cheap," nakangising sabi nito. "Mawalang galang na po pero kung sino man po kayo, wala po kayong karapatan na husgahan ako. May pinag-aralan ako at iyon ang maipagmamalaki ko." Sa sinabi niyang iyon ay tila lalong nagalit ito sa kaniya. Sasampalin na sana siya nito pero biglang may pumigil sa kamay nito at nang lingunin nila iyon.. "Thyrone?" Agad na nagliwanag ang mukha nito habang siya ay hindi makapagsalita. "Ivory, huwag ka ritong mag-eskandalo." "At bakit? Anong karapatan ng babaeng 'yan para ipagtanggol mo?" Tumaas na ang boses nito kaya napatingin ang lahat ng empleyado sa opisina. Napakuyom ni Thyrone ang kaniyang palad habang pinipigilan na huwag magalit. At nakakahanga kung paano nito kontrolin ang kaniyang emosyon. Nang harapin niya ang mga ito ay kalmadong kinausap ang dalawang empleyado. "Gethca, Janna, let me resolve this." Tatango-tango silang dalawa bago pa umalis. Dinala siya ni Ivory, ang kaniyang ex-girlfriend sa may fire exit upang kausapin. "What do you think your doing, Ivory? Ipinahihiya mo ba ang sarili mo?" "Ako pa ang mali? After you left me? How could you say that to me, hah?" "Ivory, its not the right place to talk about that," kalmadong aniya subalit nabigla siya sa pagyakap nito mula sa likuran niya. "Thyrone, I'm sorry. I just want you back. I want us back," halos pabulong na sabi nito. Pilit niyang inaalis ang pagyakap nito sa kaniya at ang mas ikinagulat pa niya ay ang biglaang paghalik nito sa kaniya. Mapusok at puno ng kasabikan. "Ano ba?!" Napaatras ito sa pagsigaw niya. "How many times do I need to tell you that I don't love you anymore, Ivory. Tapos na tayo." Tila nanlilisik ang mga mata niya matapos niyang sabihin iyon. Mahigit limang buwan na rin magmula nang maghiwalay sila nito. "Then, bigyan mo ako ng reason kung bakit dapat kitang pakawalan, Thyrone." "Nothing," tipid niyang sagot na nagbigay pag-asa rito. Doo'y napangisi ito sa kaniya. "See? You still love me, right?" Napahawak siya sa baba niya at pilit pinapakalma ang sarili. Pero halos matutop nito ang bibig sa sumunod na sinabi niya. "How sure are you na minahal kita, Ivory?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD