Five years later.. NAKADUNGAW lang sa malawak na balkonahe ng mansyon si Gethca nang maramdaman niya ang paglapat ng katawan ng asawa mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan silang pumasyal sa kaniyang in laws. "Asawa ko.." sambit ni Tyler sa kaniya. "O', nasaan na si Chandler?" tanong ni Gethca sa asawa at ngumiti lang ito habang nakatanaw sa hardin. And yes, they had one beautiful daughter few years ago at parang kailan lang ay magpo-four years old na si Chandler. "Nakikipaglaro kina mommy," tipid na sagot ni Tyler pagkatapos siyang dampian ng halik nito sa labi. "Akala ko ay mamamasyal kayong mag-ama bago tayo umuwi sa atin?" tanong niya rito. Sandali siya nitong nilingon at mas humigpit pa ang pagkakayakap ng mga braso nito sa bewang niya. "Mukhang kakaiba ang yakap na iyan, hah?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


