PALAUI ISLAND, isa sa kilala at pinakamagandang tourist spot sa Cagayan Valley na kinagigiliwang puntahan ng mga tao roon. Solar power lang ang gamit na nagsisilbing suplay ng kuryente sa umaga habang wala namang kuryente sa gabi. "Ang ganda rito," napapahangang wika ni Gethca gayong first time niya lang na nakapunta roon. "You'd never been here before?" paniniguro sa kaniya ng asawa. At dahan-dahan naman siyang napatango. Nang madako ang tingin niya pabalik sa tanawin ay saka naman sila tinawag dalawa ni Girley. "Ate, kuya, tingin kayo rito!" utos nito na ngayon ay kasalukuyang gamit ang cellphone niya. Giliw na giliw itong kuhanan sila ng picture. Kaya naman agad siyang inakbayan ni Thyrone para mag-pose sa harap ng camera. At nang matapos silang kuhanan nito ng picture ay hindi

