"AH! Bitiwan ninyo ako!" sigaw niya matapos siyang ibalibag ng mga ito sa kotse. Pagkapasok sa Toyota astra ay bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na mukha kaya mas namuo ang kaniyang pangamba at inis. "Kumusta, Gethca? Nag-enjoy ka ba?" nakangising anito habang mahigpit siyang hinahawakan ng dalawang tauhan nito. "Walang hiya ka, Ivory! Anong binabalak mo sa akin?" tanong niya subalit inismaran lamang siya nito at tumingin sa driver nito. "O, ano pang hinihintay mo? Paandarin mo na!" "O-opo.. opo, ma'am," natatarantang anito. Habang napa-rolled eyes naman si Ivory bago pa muling ibaling ang tingin kay Gethca. Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ni Gethca ngayon, hindi niya lubos akalain na mangyayari ito, dahil kahit saan pala siya magpunta ay p'wede siyang saktan ng babaen

