DALAWANG ARAW ang lumipas bago mapag-alaman ni Thyrone ang isang balita na nakapagpagunaw ng mundo niya. Kaya naman kasalukuyan niyang kausap si Mrs. Gomez sa kaniyang office ng sandaling iyon. "Hindi ko rin alam kung bakit biglaan na lang nag-file ng resignation si Gethca, Mr. Miller," anito na seryoso lang na nakatingin sa kaniya. "Are you really sure about this?" paniniguro pa niya. Magmula kasi kahapon ay hindi na pumasok pa si Gethca. At buong akala ni Thyrone ay may personal problem lamang ito kung kaya't hindi na nagawang mag-report sa office. Mula sa inuupuang swivel chair ay agad siyang napatayo na ikinaabala naman ni Mr. Gomez. "Where are you going, Mr. Miller?" "I am going to find her," kaswal na pagkakasabi niya habang nagsusuot ng dark gray na coat. Napapailing na laman

