Nang ianunsyo ni Mona na luto na ang pagkain ay inutusan ko siyang iakyat iyon sa kwarto namin. Buhat buhat ko pa rin si Echo na luckily hindi naman umiyak mula kanina. Agad na naitabi ni Kaius ang nakakalat na gamit ng makita ang dala ni Mona.
"Akin na po si Echo."
Pero umingos si Echo. Ayaw talagang umalis sa akin.
"Okay lang Mona. Nakakain naman na to siya diba?"
"Oo pero..." Sumulyap ang babae kay Kaius.
"Let her."
Noon pa lang tumango ang babae saka nagpaalam na aalis na.
"Hey, kiddo." ginulo nito ang buhok ni Echo at aliw na nginitian. Ang bata naman ay itinaas ang kamay at mukhang gustong magpabuhat sa lalaki kaya hinayaan ko na lang. Kinakausap nito si Echo na parang nagkakaintindihan sila pareho.
Inabot ko ang plato at nilagay iyon sa harap niya. Hindi ako nagsasalita. Kumuha ako ng pagkain na para lang sa akin saka nagsimula nang kumain, not minding Kaius who chuckled at napailing na lang ng makita ako.
"Gutom yan, love?"
Naubo ako ng marinig ang sinabi niya. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka maibuga ko ang mga kanin. s**t, sweet na may halong asar kasi nung pagkakasabi niya.
Inabutan naman niya ako ng tubig. I drank it all saka ito binalingan.
"Did you just called me love?"
Pero hindi na niya ako pinansin. Bini-baby talk niya na si Echo pero nakangisi naman. Alam kong narinig niya ang tanong ko.
"Kaius."
Sumandal ako sa kaniya kahit na hawak ko pa sa kamay ang kutsara.
"Hmm?" this time, humarap na siya sa akin. "Can you please feed me too? Malikot si Echo, I think hindi ako makakakain ng maayos."
Ang bilis din nitong magchange topic e no? Sumimangot ako pero sinubuan din siya. I know they look cute and were like a family right now pero hindi ko parin nakakalimutan yung nakita ko kanina. I want to ask him. Na ginawa niya lang bang rason yung pagbili sa manila ng materyales sa distillery para umattend ng birthday party ni Echo o ano.
At bakit nandoon ang kapatid niya?
"Papa..."
"Oh?"
Nilingon ko sila pareho ng marinig ang sinabi ni Echo. Nagtatalon ito sa kandungan ni Kaius.
"Echo, no." saway ko sa bata. "Tito. Tito ang itawag mo sa kaniya, okay? Hindi siya ang papa mo."
"No?" cute na tanong ng bata pabalik.
Tumango ako. "No."
"Thea. Okay lang."
"Dapat kino-correct mo siya. Anong iisipin ng totoo niyang papa kung marinig niyang tinatawag ka niya ng Papa?"
Hindi ito nakapagsalita pero nakaawang ang bibig nito. Mukhang may gusto itong sabihin pero nakapagdesisyon na wag na lang. He looked away.
Medyo gusot din ang expression ng mukha nito. Did I offend him?
"Saan nga pala nagpunta si Aliana?"
Ilang sandali ay naitanong ko. Sinusubuan ko parin siya.
"Nakipagkita siya sa mga kaibigan niya saka may inasikaso din siya na mahalaga kaya hinayaan ko na lang na ipaiwan niya si Echo dito."
“Tingin ko close din sila ni Artemis. I saw in the news that she was with them when Echo celebrated his birthday. Natawa nga ako kasi sabi nandoon ka rin daw.” I glance at him. “Was it true?”
Inabot ng lalaki ang tubig. I know I looked weird right now. At mukhang nasense niya na gusto kong magsabi siya ng totoo.
“Yeah.”
Tumaas ang kilay ko.
“Hindi naman siguro yun ang talagang rason mo kung bakit ka lumuwas ng maynila diba?”
Nagsalubong ang kilay nito.
“No. Sakto lang talaga na nasa manila ako ng dumating sila. I can't say no because she knew that I'm done doing what I needed to do there, so I just go. I thought it was a simple dinner pero birthday pala nito.” tukoy niya sa bata.
I hope he's telling the truth.
“Okay. Sabi mo e.”
Hinila niya ang bewang ko palapit. “Wag kang mag-isip ng kung ano. I'm telling the truth.”
Tumango lang ako. “Wala naman siguro akong dapat ikabahala diba?”
“Wala.”
Ganoon naman pala.
“Nasaan na ba siya?”
Kanina ko pa inutos ang gatas ni Echo kay Kaius pero hindi pa nakakabalik. We were just playing all day at napagod na ang bata kaya hinayaan ko siyang humiga sa kama namin. Hindi ko din alam kung bakit hindi pa umuuwi ang nanay ng batang to.
Nagtaka ako ng makita ang gatas sa sala. Kinuha ko iyon at nilingon ang paligid. He's not here too. Naalala kong may kukunin nga pala ito sa kotse.
Sinilip ko siya kung nandoon parin ito and I saw him from the window.
I was about to call him when I heard another voice. Nang silipin ko ay nagsalubong ang kilay ko. He's talking to Aliana. May dala-dala itong folder. Anong oras na ah. Ngayon lang ba siya nakauwi? Natatakpan ito ng bulaklak kaya hindi ko siya nakita.
Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lang ang sarili kong dahan-dahang naglalakad at patagong nakikinig sa pinag-uusapan nila.
“I don't think it's a great idea, Kaius.”
“Aly, we couldn't keep this thing a secret anymore. Lumalaki na si Echo, hindi pwedeng ganito na lang lagi. Ang tagal na pala nito.”
Anong pinag-uusapan nila? Galit ang mukha ng lalaki. Saka anong sekreto?
“Okay lang ba sayo na ganito? Na nasasaktan ka? It's not healthy anymore. It's torture. I don't wanna see you like this. Hindi ka ganito, Aliana.”
“Natatakot kasi ako Kaius. I don't wanna be judge again. Matagal ko nang alam na nagkamali ako. Simula nung nawala ka sa akin, lahat na lang naging mali. I feel so lost and I'm scared.” iyak ng babae.
I watched Kaius hugged Aliana who's now crying. Pinigilan ko ang sarili kong labasin sila pareho. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko sa oras na yun at ayokong magpadala sa bugso nun.
“Kaya nga nandito na ako ngayon. But first, let me explain this to Thea, okay? I don't want her to get mad at me again.”
Napatakip ako ng bibig. Anong sasabihin nila sa akin? May pumapasok na ideya sa utak ko pero ayaw nun tanggapin ng isip ko. No way.
“No. Wag Kaius.” pinigilan nito sa braso ang lalaki at umiling.
“Aly.”
“Bigyan mo muna ako ng sapat pang oras. Malalaman din naman niya pero wag muna ngayon, pakiusap.”
Bumuntung-hininga ito. Palakas na kasi ang iyak ng babae. Masakit makita na may kayakap na iba si Kaius.
“Fine, but I can't keep it for so long.”
Hindi ako makatulog. Pabaling-baling ako sa kama dahil doon nagising si Kaius. Pinaharap niya ako at hinila palapit. Umunan ako sa braso niya at pinakinggan ang kaniyang paghinga.
“Hindi ka ba makatulog?”
“Hindi.”
“Why? Nag-aalala ka sa presentation mo bukas? I know you can slay it. Just be yourself and present confidently.”
Umiling ako. Yumuko siya at sinilip niya ang nukha ko.
“Kung ganun, anong iniisip mo?”
“Nasabi ko na ba sayong mahal kita?”
Hindi ko alam kung kaninong pintig ng puso ang naririnig ko ngayon. Matagal bago siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin.
“No...” he started brushing my hair using his fingers.
“Mahal kita, Kaius.” pinaglaruan ko ang damit niya. “... and you said you love me too, last night.”
His body stiffened.
“I thought you don't remember?”
Ngumiti ako. “Umaakting lang ako. Siyempre maaaalala ko.”
Kahit nag-aagaw na ang antok sa akin ng oras na yun pero inantay ko talaga ang sasabihin niya. Pero bago pa man ako makasagot sa kaniya nakatulog na ako. Ang saya ko nun. It was worth the wait.
Kinurot niya ang ilong ko.
“So, ano nang status natin?”
“Hmm. Housemates?”
Kinurot ko siya sa bewang. He chuckled.
“Housemates ka diyan. Feeling mo naman nasa pbb tayo.”
“Kidding. Kung anong gusto mo.”
“Kung anong gusto ko?” tinaasan ko siya ng kilay.
“I don't care what's our status is. Basta alam ko, mahal kita and that was enough, for me. Yung status kasi mababago yan pero yung nararamdaman hindi.”
Napangiti ako at nagpigil ng kilig.
“Corny mo. Pero mukhang ito na ata yung tinatawag nilang reverse relationship.”
He just hummed.
“Yung nafixed marriage muna tayo tapos may nagyari sa atin bago tayo nagsabi sa isa't-isa ng i love you. It's kinda weird but I think that's how fate works for us.”
“Siguro nga.”
“Now that we're official, ayokong nagtatago tayo ng sekreto sa isa't-isa.” pahapyaw ko. “I want you to tell me everything, good or bad. Para maayos natin kung may mali sa relasyon na to. Let's work this out, love. Hm?”
“Okay.” he then kissed my forehead.
Niyakap ko siya ng mahigpit. I hope he'll tell me that thing sooner. I trust him.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto kong ipagtimpla ng kape si Kaius. Gusto ko ring agahan ang pagpunta ng kompanya para maprepare ko ang mga kakailanganin ko sa presentation.
Pumasok ako sa kusina pero nagulat ako ng makita si Aliana na nagkakape mag-isa.
She glanced at me but didn't say anything. Feeling at home din tong babaeng to. Tahimik na kumuha ako ng dalawang baso kasi nga igagawa ko ang lalaki.
“Para kay Kaius ba yan?”
Hindi ko alam na pinapanood niya pala ako.
“Yes.” tipid kong sagot.
“Ganito talaga ata ang mahirap pag arranged marriage lang. Hindi niyo alam kung ano ang gusto ng isa't-isa.”
Nagsalubong ang kilay ko. Anong gusto niyang palabasin?
Tinaasan niya ako ng kilay at ibinaba ang baso sa mesa saka lumapit sa akin. Kumuha siya ng another na baso at inagaw sa akin ang kape.
“Anong ginagawa mo?” medyo inis kong tanong.
“Ako na ang magtitimpla para sa kaniya. Please throw that away. Hindi umiinom si Kaius ng may halong creamer.”
Inagaw ko sa kaniya ang kape. Anong hindi? E nakikiinom nga minsan ang lalaki sa kape ko.
“Mukhang ikaw ang walang alam, Aliana. Saka hindi mo na kelangan siyang igawa. I can do it myself. I'm the fiancee. Know your place.”
Sabi na nga ba at peke tong babaeng to. She's just acting when she's infront of Kaius. Well, hindi gumagana to sa akin.
“I was his fiancee too. Alam ko ang lugar ko, at sa tabi yun ni Kaius. Para sabihin ko sa iyo, we didn't properly ended our relationship. So basically, kami pa rin. And I am not letting him go away anymore.”
Pigilan niyo ako, baka masaboy ko sa mukha niya itong kape na nasa harap ko. Ang kapal ng apog niya.
“Tingin ko huli ka na.” pinakita ko sa kaniya ang singsing sa daliri ko. “He wouldn't let me in his life if he still love you. Kasal na lang ang kulang sa amin. Wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo dito. You two are done long time ago.”
Halatang nainis ito sa sinabi ko.
“I'm just letting you savor the moment. Do you really think he care for you? Baka nakakalimutan mong arranged marriage lang kayo?”
“We kissed.”
Aliana smirked.
“Even kids know how to kiss.”
“Kaius and I did more than that. Paano mo nasabing hanggang kiss lang kami? You don't follow us all the time. So stop saying your very close to him.”
“You know, all of the things you mentioned, nagawa na namin yun nung nagdi-date pa lang kami. Wala kang dapat ipagmalaki kasi natikman ko ang natikman mo na.”
I gritted my teeth. “Then you're a slut. Imagine hindi pa kayo nun pero nakikipag-jugjugan ka na sa kaniya?”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero alam mo rin na hindi lang ako ang ganoon. Kaius was known as one. Hindi kami tatagal ng ilang taon kung hindi namin naenjoy ang isa't-isa.”
Pabagsak na pinatong ko ang teaspoon.
“Bakit ka pa ba bumalik?”
“Bakit? Natatakot ka ba?”
“And why would I be scared? Nakaraan ka na. Ako na ang future niya. You wasted your chance to be with him.”
Kumibit-balikat ito. “I pity you. Hindi ako bumalik dahil trip ko lang. Bumalik ako dahil babawiin ko ang iniwan ko. Kung ako sayo bibitaw na ako habang hindi pa masakit.” Bakas sa mukha nito na may gusto itong ipaabot sa akin.
“Love?” tawag ni Kaius. Napangisi ako nang marinig ang endearment namin.
“See? He called me love. He loves me. Anyway, wala namang masamang umasa. Ipagpatuloy mo lang tutal mukhang magaling ka naman sa bagay na yun.” I tapped her shoulder. Ang aga pero balot na balot siya. Ganito ba talaga ang mga modelo? “Enjoy your day.”
“Hey.” sumilip ang lalaki sa loob at nakita kaming dalawa. “Aly...”
Kinuha ko ang bag ko sa mesa at hinila ang braso niya.
“Come on. Ibibili na lang kita ng kape.”
Nagtatakang tiningnan niya ako sa mata bago sumulyap kay Aliana na nasa loob.
“Tara na!”