Chapter 14

2750 Words
I just took a quick shower dahil kapos na sa oras pero natagalan ako sa pagpili ng susuotin para sa dinner. Kahit bahay na namin to, hindi naman ako pwedeng humarap sa mga magulang ni Kaius na nakapantulog o nakapambahay lang. Kelangan ko ring maging presentable tingnan. Habang pumapasok sa loob ang mga magulang ni Kaius ay inatake ako ng kaba. Baka kasi iba ang maging trato nila sa akin dahil mas gusto nila si Artemis. Pero nang ngitian at lapitan ako ng mama niya ay tahimik na napabuga ako ng hangin. Thank God! “Iha, kumusta? Komportable ka ba dito sa bahay?“ kumawala ako sa pagkakahawak ni Kaius sa bewang at lumapit ako sa kaniya saka humalik sa pisngi. “Sinabihan ko na si Kaius na doon na lang sa mansyon pero ayaw sumunod.” “Okay naman po, tita. Ang ganda nga po ng bahay.” Umikot din ang mata nito at tumango. “Nagkakasundo naman ba kayong dalawa?” Napatingin ako sa lalaki na siyang nahuhuli sa paglalakad at kausap ang ama nito katabi ang bunsong anak. I caught him glancing at me too before looking back at his father. Mukhang narinig nito ang tanong ng mama nito sa akin. “Medyo po.” “At bakit medyo lang?” “Ma, we're still adjusting. Sinasanay pa namin yung sarili namin sa ugali ng isa't isa.” komento ng lalaki. “Bakit yung kay Artemis, ang layo naman ng ugali niyo pero sabi mo swak na swak kayo kahit ilang araw pa lang kayong magkasama nun.” Natigilan ako. Swak na swak? Ano sila gatas? Palihim na umirap ako. “Oh!” lumingon si Tita sa akin. “I shouldn't brought that up. Im sorry iha.” tinakpan nito ang bibig at mukhang nagulat din sa lumabas na salita mula sa bibig. Binigyan ko siya ng ngiti. “Okay lang po, tita.” Lumabas si Mona sa kusina at binati ang mag-asawa bago hinarap ako. “Handa na ang mesa.” imporma nito. “Salamat Mona.” “This house still need some things. It feels empty. You should buy and put other things here. Magpasama ka kay Kaius.” Napakamot ako. Hindi ko kasi desisyon yun. We're still not married, kaniya parin tong bahay. Baka pag nakialam ako, masamain niya. “Susubukan ko po. Medyo abala rin po kasi kami pareho.” “Oo nga pala. Huling semester niyo na to diba?” I nodded. “That’s great! Pwede ka nang magtrabaho agad. Saan mo balak mag training?” “Naghahanap pa po ako. Ayoko po kasi sa kompanya ni papa. Susubukan ko po muna sa iba para wala pong issue.” “Meaning you're concerned about the treatment that the employee might give you once you train under your father's company right?” “Ganun na nga po.” “Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang mindset ng henerasyon niyo pero naiintindihan kita.” nakinig ako habang naglalakad kami papasok ng kusina. “Kaius was like that too. I dunno how your father will react to your decision but when Kaius did that exact thing before, I was so dissapointed. Pero nung tumagal napagtanto ko na mas okay din naman pala. Marami siyang malalaman na strategies sa pagpapatakbo ng negosyo. Look at him now, halos doon na matulog sa distillery. At yun ang dapat mong pigilan.” Natawa ako. Noted! “Oh, wow. Mas lalo akong ginutom. May pochero!” humiwalay ang babae sa kaniya nang makita ang pagkain sa mesa. “Bakit hindi ka nagluluto ng ganito sa mansyon mona? Ikaw ha!” pabirong umirap ito kay Mona na natawa din. “Hindi po ako ang nagluto niyan senyora. Si Thea po.” turo nito sa akin “Really?” Nahihiyang tumango ako. “Marunong naman po akong magluto.” “Glad to hear that. I can't wait to taste it!” nagpalinga-linga ito. “Kaizen! Hali na kayo at tikman natin ang hinanda ni Thea habang mainit pa.” tawag nito sa asawa. “Talaga ba?” Medyo kinabahan ako baka hindi pasok sa taste nila yung luto ko. “A'right! Saan dito ang niluto mo iha?” tanong ni Tito Kaizen na go na go naman. Pinasadahan nito ang mesa. Sasagot na sana ako nang muli itong magsalita. “Oh! Let me guess, it's pochero right?” Tumango ako. “Nice! Pareho naming paborito to ni Kaius kaya alam ko.” Pinaghila ako ni Kaius ng upuan sa tabi nito. I was watching his reaction while tasting the food I cooked. Ngunit pagtango lang ang naging tugon nito. The couples keep praising it but I wanna hear his comment too. Maybe it's not that great. Anyway, gagalingan ko na lang sa susunod. “Your marriage is still not set, siguro pag nagkausap ulit kami ng mga magulang mo doon na natin malalaman. But for now, just enjoy being together and get to know each other more. Makakatulong yun lalo na pag ikinasal na kayo. You should build your relationship first.” “Naiintindihan ko po.” she's a great mother-in-law. Kami lang dalawa ang magkausap ngayon sa sala. Kanina kasama nila yung dalawang lalaki but they went down and leave us. Siguro nasa cellar. “Hey.” tawag nito sa akin. Bumaba kami para kumuha ng wine at alak sa basement dahil sa utos ng mama nito. “Bakit?” baling ko sa kaniya. Napakamot ito sa likod ng leeg. He gave me the bottle and I accept it. “The pochero taste good.” ah! Akala ko wala siyang balak purihin yun. “Thank you.” pinatakan niya ng mabilis na halik ang pisngi ko. Napakurap ako sa gulat. “W-walang anuman.” sagot ko at naramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Akyat na tayo?” turo ko sa itaas. He nodded and walk past me. Malaki naman ang ngiting sumunod ako sa kaniya. Hindi ako magsasawang ipagluto ulit siya. Basta ba araw araw ding may kiss. “Saan ka pupunta?” takang tanong ko nang makalabas ng banyo at naabutan itong naka ayos. “Lalabas lang ako sandali. Pupuntahan ko lang ang pinsan kong si Nyxx.” lumapit ito sa bedside table at kinuha ang susi. “Pero gabi na ah?” mag-aalas onse na ng gabi nang sulyapan ko ang orasan. Mga alas diyes na nabg makauwi ang mga magulang nito kanina. Kung hindi pa inaantok ang kapatid nito ay baka tumagal pa ang mga ito. “I know. Mauna ka na lang matulog. Baka gabihin o hindi ako makauwi mamaya.” “Mag-iinuman ba kayo?” tinanggal ko ang itim na bathtrobe at isinabit iyon. My red lingerie got exposed but I don't mind. Iyon naman talaga ang balak ko. Kinuha ko ang lotion at nagsimulang nag-apply nun sa katawan habang nakaupo sa gilid ng higaan. “I guess.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I saw him looking at me with awe in his eyes. I smirked. “Aren't you tired? Buong araw kang nasa trabaho at walang pahinga tapos mag-iinuman pa kayo. Gabi na nga lang ang pahinga niyo. You should take a rest.” “Okay lang. Off ko naman bukas.” Napasimangot ako. Hindi niya ba gets? Mukhang hindi ko na talaga ito mapipilit manatili. “Saan kayo mag-iinuman?” “Huge's place.” Hindi ko alam kung saan yun pero tumango na lang ako at kumibit balikat. “Okay.” disappointed kong sabi saka pumasok na sa comforter. Nararamdaman ko na yung pagod sa maghapon. Pero hindi parin umaalis ang lalaki sa pwesto nito. “Hindi ka pa ba aalis?” Pinasadahan nito ang buhok at umiwas. “Yeah. Make sure to lock the door.” paalala nito bago sinuot ang jacket. “Aantayin kita mamaya. Umuwi ka.” Napahinto ito sa pagbukas ng pintuan. “Susubukan ko.” Nakaidlip ako ng ilang minuto. Nang subukan kong bumalik sa pagtulog ay hindi ko na magawa. Bumangon ako at napahilamos ako ng mukha gamit ang palad. “Bakit pa kasi kelangan niyang umalis?” I whined. Kinuha ko ang bathrobe at isinuot iyon. Bumaba ako sa sala at nanood na lang ng tv habang inaantay ang lalaki. “Thea?” Bumukas ang ilaw sa buong sala. Kita niya ang pupungas pungas pang si Mona. Nagising ata ito sa ingay ng tv kaya pinahinaan ko iyon. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong nito saka sinilip ang pinapanood ko. “Pasensya na, nagising ka. Umalis kasi Kaius. I can't sleep.” masyadong malaki yung higaan para sa akin mag-isa. “Nag-away ba kayo?” maingat niyang tanong. “No. Pupuntahan niya daw ang mga pinsan niya. Ng ganitong oras ha?” I rolled my eyes. “Kaya pala may narinig akong umalis na sasakyan. Ganoon talaga sila, minsan sa mansyon nagigising kami kasi kelangan nila ng pulutan.” “Wow! Buhay seniorito nga!” Tumawa si Mona. “Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita.” Itinuro ko ang baso na nasa mesa. “Salamat pero nagtimpla na ako. Matulog ka na lang ulit.” Tumango ang babae. “Sige. Katukin mo na lang ako pag may kailangan ka.” “Okay.” I spent an hour watching the movie, pero hindi ko yun maintindihan. Siguro dahil wala doon ang isip ko. I yawned loudly. Binuksan ko ang phone ko para tingnan kung may text ang lalaki pero napasimangot ako ng walang natanggap ni isa. Dalawang oras na ang nakakaraan. Siguraduhin niya lang na inuman at kasama niya ang pinsan niya at hindi nambababae—. My eyes widened and my body immediately rose up. I hurriedly composed a message for him. [Come to think of it, hindi ka naman mambababae? Diba?!] [Don't you ever dare!] [Sisirain ko ang wine cellar mo sa ibaba!] To my surprise, my phone suddenly rang after a minute. It was Kaius who's calling. Tumikhim ako at sinagot iyon. Una kong narinig ang mahinang tawa niya. “Hey.” malambing na sagot ko. “Hey?” pag-uulit nito sa naging bati ko. “I thought you're mad. Bakit ang sweet pa ata ng boses mo?” “So gusto mo akong galit?!” nakapamewang kong tanong. Muli itong humalakhak. Mukhang nakainom na nga siya. Parang tanga e. “Anong oras ka ba uuwi? Hindi ako makatulog.” May biglang kumatok sa pintuan. Nagsalubong ang kilay ko at kinabahan. “S-someone's knocking on the door. Kelangan mo nang umuwi! Kami lang ni Mona dito! Pag ako namatay ng hindi pa tayo kinakasal, gagawin kong haunted house ang bahay mo.” “Silly. Ako to.” “Ha?” naguluhan ako. Muling umulit ang pagkatok. “Open the door. It's me.” Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya at tinungo ang pintuan. Binuksan ko iyon at nakitang si Kaius nga ang nasa likod nun. “Nasaan yung susi mo? Bakit kelangan mo pang kumatok?” hindi ko rin narinig ang sasakyan niya. Nagulat ako nang bigla niyang isinubsob ang mukha sa balikat ko. Natanggal ko na ang roba ko kanina dahil ginawa kong pangkumot habang nanonood. “God. Why did you even have to wear this lingerie.” bulong nito pero rinig na rinig ko naman. Napangiti ako ng malaki. “I know I look sexy.” makapal ang mukha kong sabi. He looked up. Mukhang naaliw ito sa akin. “Saan galing ang confidence mo?” “Sa kapeng ininom ko?” Tumaas ang kilay nito. “Ahuh.” “Mas maganda pa ako kanina nung hindi mo ako pinuyat kakaantay sayo dito.” “You still look the same though.” lumayo ito sa akin at naglakad. “Konti lang ba ang ininom mo?” diretso pa kasi ang lakad nito saka hindi talaga ito mukhang lasing. Naaamoy ko lang yung alak sa kaniya. “Yeah. I'm afraid someone might ruined my cellar tomorrow.” lingon nito sa akin. “I know your weakness.” I smirked. “At medyo nagpanic ako kasi huli ko na naisip na baka nangbabae ka nga!” “Kung alam mo lang...” bumuntung-hininga ito. “You should stop wearing that stuff and refrain yourself from tempting me. Baka nga puntahan ko na talaga yung mga babae ko pag nagkataon.” Pumantay ako sa kaniya sa hagdan. “Yun ang wag na wag mong gagawin! Pag niloko mo ako, maghahanap din ako ng lalaki!” Tumalim ang tingin niya sa akin at humakbang palapit. He cornered me in the stairs using his one hand. “Ulitin mo ang sinabi mo.” his jaw clenched like he's really mad at me. Kumunot ang noo ko sa biglaang pagbabago niya. “Just saying!” tinulak ko ang dibdib niya palayo pero hindi ito natinag. He grabbed my hand. “Do that s**t and you'll regret it.” Naglabanan kami ng tingin. Bakit galit na galit siya sa akin ngayon e binibiro ko lang naman siya. I sighed. “Im sorry...” I caressed his face. His lips parted because of my sudden move. Napakurap ito at unti-unting nawala ang galit sa mata nito. It was replace by an unfamiliar emotion. His eyes wander around my lips. Nang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin ay alam ko nang hahalikan niya ako. Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Pwede kong iwasan ang labi niya pero bakit ako iiwas aber? I didn't want to resist. Napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa akin. It was brought me to different place, nasundan iyon ng mas matagal. Mas mainit at mariin. He nibbled my lips. Kasabay nun ang pagkabig nito sa bewang ko. Dahil manipis ang suot ko ay ramdam ko ang init ng palad niya na nanunuot sa balat ko. Naghanap ako ng makakapitan, and my fingers found his collar. I gripped it like my life depends on it. Magaling akong humalik pero mas magaling ito. Our lips were locked perfectly like it was made for each other. I moaned when he found my butt. Binuhat niya ako at nag-umpisang umakyat. I clung my arms to his neck still kissing. Wala akong pakialam kung mamaga ang labi namin pareho pagkatapos. It's obvious that we're both craving for each other. Bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Sumabog ang buhok ko at doon pa lang kami nahinto sa paghahalikan. We're both gasping for air. His hair were now disheveled. Ang isa kong kamay ay nasa loob na ng damit niya at pinapasadahan ang katawan nito. “Just kiss.” he breathly said. “Let’s just kiss.” Napakurap ako. Ilang sandali pa ay napabunghalit ng tawa. “Really?” bumaba ang kamay ko sa sinturon niya. “Pero mukhang iba yung gusto nito.” Napalunok ito at pinigilan ang kamay kong bababa pa sana. He pinned it on the bed. “You still need to graduate.” “Ano?” gulat kong tanong. Kelangan ko munang gumraduate?! Ilang buwan pa yun! He pursed his lips when he saw my reaction. Isang ngiti ang pinipigilan nitong kumawala sa labi. “No way!” angal ko. Yumuko ito. He then chuckled on my shoulder. “Yes way.” “No! Hindi ka seryoso!” “I am. Yun ang sabi ng Papa mo sa akin. Your graduation is the key.” My graduation will be five months from now! Pinadyak ko ang paa ko at nawala na sa mood. “I need to talk to my father! Hindi niya to nabanggit sa akin! Hindi ako papayag!” akmang babangon ako para hanapin ang phone pero pinigilan ako ni Kaius na bumaba ng kama. “Tatawagan mo talaga siya sa bagay na yun?” tawa nito. “Of course! It's my s*x life!” Ngayon ko lang siya nakitang naiiyak sa kakatawa. Even his shoulder were shaking. “Nang ganitong oras? I don't think its a good idea. Baka bukas na bukas nandito na yun para kausapin ako. Malalaman niyang sinubukan nating gawin ang bagay na yun ngayon.” Natahimik ako pero nakabusangot parin. “Argh! I hate you and dad.” sinubsob ko ang mukha ko sa unan. He patted my head and went down the bed. “Times up. You should rest now. It's late.” He turned off the light and open the lampshade. Naghubad ito ng pang-itaas na damit at pumasok sa banyo. Nanghihinayang na sinundan ko siya ng tingin. “Matulog ka na.” sabi nito bago nakangising isinara ang pintuan. Limang buwan! Limang buwan pa ako maghihintay! I groaned. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD