Ang plano niya sana ay magbihis at bumaba para bantayan ang dalawa sa ibaba pero hindi iyon natuloy nang mag-ingay ang cellphone niya.
Nauwi tuloy sa pag face time ang labing limang minuto niya sa mga kaibigan.
"Umuwi na nga."
"Iikot mo ang camera ng makita namin! Baka mamaya katabi mo lang yan."
Napailing siya sa kalokohan nila Quin at Ica pero ginawa rin ang gusto ng mga ito.
"See? Magagawa ko ba kayong kausapin kong nandito pa yun?"
Her friends nodded. She face palmed.
"Nababaliw na kayo. Itigil na nga natin to." nagpaalam na siya saka pinatay ang tawag.
Ginigisa siya nang dalawang yun. May kailangan pa siyang tapusin na assignment sa isa niyang major.
A knock on the door stop her from opening her books. Nilingon niya ang nakasarang pinto.
"Ma'am Thea, bumaba na raw kayo sabi ng kapatid niyo." sabi ng katulong mula sa labas ng kaniyang kwarto.
"Pakisabi itabi na lang yung para sa akin. I'll eat them later. May gagawin lang ako."
Bakit kasi umalis si Ox edi sana may kasama siya sa ibaba. Ayaw naman niyang magmukhang third wheel doon. Masisira lang ang araw niya.
"O'sige po."
Kasunod nun ang papaalis na yabag ng katulong. Bumalik siya sa ginagawa pero ilang minuto lang ang nakalipas ay may kumatok ulit sa pintuan niya. Iritableng binalingan niya ang pinto.
"What? I told you mamaya na diba?" inis niyang sabi.
Hindi agad ito nakasagot mukhang nagulat ata ang katulong sa biglaang pagtaas ng boses ko.
"It's me."
Napakunot noo siya ng marinig ang pamilyar na boses sa labas.
"K-kaius?"
Naibaba niya ang hawak at tarantang tinungo niya ng mabilis ang pinto at binuksan iyon.
It was really Kaius who's knocking.
His eyes surveyed her. Bigla tuloy siyang naconscious sa sarili. Pasimpleng sinuklay niya ang magulong buhok. She just took a halfbath at basta niya lang itinali ang buhok kasi wala naman talaga siyang planong bumaba sana.
His gaze move inside her room, tumagal sa kama niya na parang may hinahanap. Hinarang niya ang sarili at niliitan ang siwang ng pinto para mapunta sa kaniya ang atensyon nito. Napangisi siya ng may maisip.
"May kailangan ka ba?"
"Where's Ox?"
Wala naman dito ang lalaki.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Bakit?"
Hindi niya pinahalatang naaapektuhan siya sa tingin nito.
"Bumaba na kayong dalawa. The foods are ready."
"Tabihan niyo na lang kami. May ginagawa kasi kami sa loob. Saka hindi pa naman talaga kami gutom, bababa na lang siguro kami mamaya." ngiti niya.
Kinagat niya ang labi para pigilang matawa nang makita kung paano nagsalubong ang kilay ng lalaki. Halatang hindi nito gusto ang narinig.
"Your sister already prepared it. Kayo na lang ang inaantay. Bumaba na kayo." mukhang wala ito sa mood.
"Tatapusin nga muna namin -"
"Ano ba talagang ginagawa niyo sa loob?" iritableng tanong nito saka sinipa ng mahina ang ibabang pintuan.
Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak niya sa door knob.
"Bakit ka ba naninipa diyan?" kunwari ay galit siya.
He glared at her. Nakipagtagisan naman siya, ngunit nakakatunaw ang mga tingin nito kaya napanguso siya.
"Palabasin mo ang kapatid ko. It's not good to know that he's inside your room. Alone." mariin nitong bigkas sa huling salita na pinakawalan.
"Ayoko nga. Wala naman si Papa at Mama kaya okay lang saka hindi ako conservative. Doon ka na nga kay Artemis. Nakakadisturbo ka na." she acted like she is a bit iritated.
She slightly push him, pero tila nakapako ang katawan nito sa pwesto at hindi man lang tuminag. His chest was hard, halatang nagwo-work out.
He scoffed. "Nakaka-disturbo?" he said like it was the most insulting word he heard.
She nodded. "Oo. I'm in the middle of something important kaya pwede ba-Kaius!"
Nanlaki ang mga mata niya nang lumapat ang kamay nito sa pintuan at malakas na tinulak iyon pabukas. She tried to stop him from entering but he was strong.
Malalaki ang hakbang na pinasok nito ang kwarto niya at parang pulis na naghahanap ng kriminal na inikot ang buong kwarto niya.
"Ano bang ginagawa mo?!" tinulak niya ito sa dibdib.
"Where the hell is Ox?"
Nang hindi mahanap ang lalake ay tinungo nito ang bathroom niya. Naupo siya sa kama, tinakpan niya ang bibig kasi natatawa na talaga siya.
Nang lumingon ito sa kaniya ay natigilan ito dahil nahuli siya nitong suot ang malaking ngiti.
"He's not here... "
She crossed her arms and nodded. "Wala nga. Sino bang nagsabi na nandito siya?" tumayo siya at lumapit dito. His hawk eyes were watching her movements.
"Ikaw na rin nagsabi, hindi magandang tingnan na papasukin ko siya sa kwarto ko. Pero nandito ka ngayon, do you know that you're putting yourself in trouble right now my dear brother in law? Hindi ka ba nag-aalalang may makakita na nandito ka sa loob ng kwarto ko, mag-isa.”
He was just there standing. Dumukwang siya para bumulong sa tenga nito.
“Binibigyan mo ako ng rason para umasa. Your action speaks for yourself.” she seductively said.
Obvious naman kasi na may gusto ito sa kaniya pero nagmamatigas parin ito. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya ng pagpipigil nito.
“Don't be too hard on yourself. Nag-aantay lang naman ako.”
He look at her blankly. Tila walang pakialam sa sinasabi niya. Why so cold?
“This...” Hinawakan ko ang mukha niya at pinatakan siya ng halik sa labi. “You will never experience this with my sister. She will never be as great as me.” bulong niya sa labi nito bago patuksong binibigyan ito ng paru-parong halik.
Sinusubukan niya lang naman itong tuksuin ngunit wala siyang makuhang pagtutol mula sa lalaki kaya napangiti siya. Hindi siya nito tinutulak ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang paggalaw ng panga nito.
"Hindi umakyat si Kaius dito?"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Artemis na papalapit. Tinulak niya si Kaius para sana lumayo but he didn't let her move away. Hinuli nito ang bewang niya at pinanatili iyon sa pwesto.
He then crotched down and claimed her lips. Hindi siya nakagalaw at napaawang ang bibig sa gulat. He take that chance to pushed his toungue inside and sucked on it.
Napakapit siya sa braso nito at napapapikit kada didiin ang halik nito.
Nagsimula siyang magpanic nang nararamdaman niyang nadadala siya ng maiinit na halik nito. Nasisiguro niyang pupunta sa kwarto niya ang kapatid at mahuhuli sila pag hindi pa siya tumigil.
“Kaius...s-stop...”
Finally he stopped, pero nagulat siya ng hilain siya nito sa sulok sa gilid ng kaniyang malaking aparador. Hindi kita ang bahaging yun kung sisilip lang ang ate niya sa pintuan at hindi papasok.
She groaned in pain when her back slammed in the wall.
“Heto naman ang gusto mo diba? Bakit ka nagpapanic ngayon?” he murmured between their lips and smirked.
Is he trying to...
Napaawang ang labi niya. Kinuha nito ang chance na yun para mahalikan muli. Hinawakan nito ang likod ng ulo niya para mapailalim ang halik. Their lips were making small sounds. Napapikit siya at naiiyak na. Wala to sa plano niya. She tried to push him harder this time.
May kumatok sa pintuan niya. Siguradong si Artemis iyon.
“Thea?”
Nang walang sumagot ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya. She stilled. Napahinto rin si Kaius sa paghalik at tinagilid ang ulo sa direksyon ng pinto.
“Are you there?”
Palakas ng palakas ang t***k ng puso niya lalo pa ng marinig niya ang yabag na ibig sabihin pumasok ito. She bite her lips to stop making any noise. Nanghina ang binti niya, bago pa man iyon mapaano ay naramdaman na niya ang paghigpit nang pagkakahawak ni Kaius sa bewang niya.
They both look at each other. Parehong malalalim ang hininga at mapupula ang bibig.
“Nakakapagtaka.” rinig niyang sabi ni Artemis.
“Bakit po ma'am?”
“She's not here too.”
“Po? Baka sumunod po siya sa akin kanina nung bumaba ako at hindi ko lang po napansin. Kabababa ko lang po mula dito e.”
Nakarinig sila ng buntunghininga.
“Uh, siguro nga. Bumaba na lang tayo.”
Sumara ang pintuan ng kwarto niya. Hindi niya alam na pinipigilan na pala niya ang paghinga kanina pa. Lumayo sa kaniya ang lalaki, parang kandila siya na nauupos. Napaupo siya sa sahig at hinabol ang hininga. Malakas ang tahip ng dibdib.
“You speak too much, pero hindi mo naman kayang panindigan.” sabi ni Kaius habang pinagmamasdan siya.
Galit na tiningala niya ito. She caught him wiping his lips. He smirked.
“Your action speaks for yourself too.” pangangaya nito sa sinabi niya kanina dito.
“You're afraid that your sister might caught us. It only proved na hindi mo kayang saktan ang ate mo—na natatakot ka rin. What you're trying to do will ruin your relationship with your sister. Alam kong alam mo yun.”
Mahabang pahayag nito saka siya iniwan sa loob ng kwarto niya na nagpupungas ang dibdib.
“Is there something wrong Thea?”
Napakurap siya at napatingin sa kapatid niya. Tinaasan siya nito ng kilay ang mga mata ay nagtatanong.
“Ha?”
“I am asking you if there's a problem. Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko.”
Nasa loob siya ngayon ng kwarto ni Artemis. Nagpapatulong kasi ito sa pagpili ng magandang bikini na binili nito kanina. Hindi niya alam kung para saan iyon. Wala naman silang outing na pamilya. Saka kanina pa siya walang matinong masabi dito, she's still not in her right mind matapos ang mangyari kanina.
“Para saan ba kasi yan? Kahit ano namang isuot mo pupurihin ka naman ng lahat kasi modelo ka.” humiga siya sa kama nito at tumitig sa maliliit na bituin na nakadikit sa kisame nito. Glow in the dark yun.
Umalis sa harap ng salamin ang babae dala ang two piece. “Maliligo nga kami ni Kaius sa talon bukas. You can come if you want, kami lang naman yung nandoon.”
Sandaling natigilan siya at ilang sandali pa ay umiling.
“No thanks.”
“Weekend naman bukas. Bakit ayaw mong sumama? Isama mo na rin yung iba mong kaibigan. Mas marami mas masaya. Papadagdagan ko agad ang pagkain kay manang.”
Again, she shook her head. Bakit ba pinipilit siya nito? Siya na nga itong gustong lumayo at itigil ang katarantaduhan. Ayaw na niya, ititigil na niya ang ginagawa sa likod ng kapatid. Matapos ang nangyari kanina, natakot na siya.
“May outdoor shoot din kasi ako bukas doon mismo sa talon. Ilang litrato lang ang kukunan kaya matatapos agad ako. Aalis din agad ang kasama ko. I can spend my free time there. Nakalimit ang tao doon bukas dahil sa shoot.”
It was inviting but...
“Ayaw mo ba nun? Solo niyong dalawa ang lugar. Makakapag-usap kayo ng matino, romantic yun.” gusto niyang isuka ang mga sinasabi.
“Nakakapag-usap naman kami ng matino. Ano ka ba. Gusto ko lang makapag-relax naman kasama kayo.”
“I don't know. Basta wag mo lang ako asahan.” aniya saka bumangon.
Bago makalabas ay tinuro niya ang dilaw na bikini na hawak nito. “That looks nice.”
Bumalikwas siya ng bangon sa kaniyang kama.
“Bahala na nga!” aniya saka hinanap ang phone.
Kanina pa siya nagkukulong sa kaniyang kwarto at pinipigilan ang sariling wag isipin ang alok ng ate niya kagabi.
Alex answered her call in two rings. Tanging malalalim na hininga lang nito ang naririnig niya.
“Alex.”
“What?”
Ngumuso siya. “Are you with them?” sa ganitong pagkakataon kasi alam niyang ito ang agad na sasagot sa tawag niya. Magkabati man sila o hindi.
“Yes.”
“Si Thea ba yan?”
It was Quin's voice. Maya maya pa ay ito na ang kausap niya sa phone.
“Ano, boring no?” she said with mockery. Alam na alam talaga nito.
“Yeah...”
“Pumunta ka na lang kasi dito.”
“Daanan niyo ako. I want a dip.” aniya habang naghahanap ng masusuot.
“Sakto! Balak din mags-swimming nitong mga lokaret. Papasundo kita kay Alex.”
“Pumunta na lang tayong talon. Nandoon din kasi si Artemis ngayon. She invited me last night, baka daw gusto niyong sumama.”
Humina ang tawanan sa background nito, mukhang lumayo ang kaibigan.
“Talaga? Sinong kasama?” bulong nito.
“Kayo nga. Isama ko raw kayo.”
“Sira. Tinatanong ko kung sino ang kasama niya? Si Kaius ba?” hagikgik ng babae.
“Oo.”
Nakarinig siya nang pagtili mula dito. Nailayo niya tuloy ang phone sa tenga.
“Aba! Bet ko yan. Sige sasabihan ko sila. Buti na lang at ready kami. Ikaw talaga.”
“Daanan niyo na lang ako. Antayin ko kayo dito.”
“Copy! Bye!”
She ended the call and started to pack her things. Maliligo lang talaga siya, promise.