I still can't believe it. Ibig sabihin siya ang naghatid sa akin noong gabing iyon? Kilala niya na ako bago ko pa siya makilala pero umakto parin siyang hindi noong pinakilala kami ni papa. He even ask if I was Artemis! Na in the first place kilala naman niya ang babae. I scoffed. “Come on, stop glaring at me. I already explained myself to you.” Tawa nito saka hinila ang paa ko palapit pero pinagpag ko iyon para mabitiwan ng daliri niya. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap kanina sa loob ng bahay at nandito nga kami sa sala, magkalayo. Bale ako lang pala ang may kagustuhang layuan siya dahil kanina pa ako nito sinusuyo. I was embarrassed. Ni hindi ko naalalang pinatulan ko yung dare na iyon ng mga kaibigan ko. Maybe I was so drunk back then. “You still fooled me. Siguro ang saya mo

