ADOPTION

1645 Words
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagsagot ng tumataginting na 'no' nina Zandro at Zandra sa sinabi ni Mikayla. Namangha si Liam sa kanilang reaksyon. "Ano ba ang iniisip mong bata ka ha? Kami ang pamilya mo!" halos pasigaw na sabi ni Zandra Kay Mikayla. "No offense meant sa iyo, Mr Mendoza- Pero, Attorney.." saglit na sinulyapan ni Zandra si Liam pagkatapos ay bumalik ito sa Attorney. "... Attorney Joebert Abibas, baka nagkamali lamang si Warren sa kaniyang Last Will and Testament, I mean-this is ridiculous.." Zandra is pacing inside the study room. "We are his family, this is quite a direct insults to us all..!" she threw her hands in the air. Bumuntong-hininga si Attorney Joebert Abibas, muling nilapag ang attaché case sa desk at binuksan ang file. " Sa ikalawang pagkakataon, heto ang last will Mrs. Demetrial. Sige, tingnan ninyong maige ni Mr Zandro Mendez, even you, miss Zia Mendez... you can see it for yourselves." Mando ni Attorney sa tatlong magkapatid. Bagama't naintindihan ni Liam ang kanilang damdamin, tunay nga na nakakainsulto sa kanila na mas pinapaboran pa ang kaibigan keysa-- mga kapatid Niya, but still, hindi nagustuhan ni Liam ang kawalang tiwala ni Zandra sa binasa na Last Will and Testament ni Attorney Abibas. Napamura si Zandro na kinuyom ang kaniyang palad. Matalim itong nakatingin Kay Liam. Subalit hindi nila kayang insultuhin si Liam dahil ang kayamanan ng mga Mendez ay basura lamang ikumpara sa yaman ng pamilya ni Liam Perez Mendoza. "Pero hindi ba nakapagtataka, kami ang pamilya Niya, tapos sa mayamang best friend pa Niya ito ipamana?" napapikit si Liam sa kabobohan ni Janus. "Mali ka Mr. Janus Demetrial, kung nakinig ka sa binasa ko kanina, maintindihan mo sana na hindi ibinigay ng yumaong si Mr. Warren Mendez ang kaniyang mga ari-arian Kay Ginoong Liam Perez Mendoza, ginawa lamang niyang tagapagganap o tagapangalaga sa kaniyang mga naiwan--" "Iyon na nga ang punto, Attorney... nandito naman kami na kapamilya Niya." galit na sabi ni Mr. Magno Demetrial. Sinang-ayunan din ang kaniyang anak na si Janus." "I wish I could answer your questions as to why the late Mr. Warren Mendez favored Mr Liam Perez Mendoza as his executor, instead to any of you.." makahulugan na sabi ng attorney. Muli Niyang nilagay ang files ng last will and testament sa kaniyang attaché case. Ngunit mayroon siyang folder na iniwan sa desk. "Pasensya na pero kung wala na kayong ibang sasabihin ay Kailangan ko ng umalis. I'm just doing my job at tapos na ang trabaho ko--" bumaling si Attorney Joebert Abibas Kay Liam at inabot ang Isang folder na nasa desk. "This is your copy, Mr Liam Perez Mendoza. Kasama na riyan ang aking contact number kung sakaling may katanungan ka--" "Excuse me po, Mr. Abibas- I mean, Attorney Joebert Abibas, I assume... kasama na po ako sa inihabilin ng aking papa Kay Mr. Liam Mendoza.." sa tono ng pananalita ni Mikayla, iniiwasan Niya ang patanong. Senyales na buo na ang kaniyang loob na sumama sa kaniyang ninong sa pag-alis ng manor house. "Sumosobra ka na Mikayla ha! Kanina ka pa sa sementeryo, bakit mo naman naisipan na sasama Kay Ginoong Mendoza?" mabigat ang tono ni Zandra. Hindi sumagot si Mikayla, sa bagkus ay napatingin siya Kay Janus na nagsalubong ang kaniyang kilay habang matalim na nakatitig Kay Mikayla. "Yes, Mikayla cutie pie..." ngumisi si Janus Kay Mikayla at pinisil ang mukha ng bata. "Itigil mo ang ginagawa mo!" nagulat ang lahat sa malamig na boses na binitiwan ni Liam. Maging si Mikayla ay nagulat sa kaniyang mabilis na pagsaway Kay Janus. "What is wrong with you?" tahasan na nagtanong si Janus Kay Liam. " Wala ba akong karapatan na hawakan ang pinsan ko.?" Gumalaw ang bagang ni Liam. Bumaling ito Kay Mikayla, "Mikayla... do you want Janus to "touch you?" Napasinghap si Zandra sa tanong ni Liam. Napaupo ito muli sa tabi ng asawang si Magno. Ang kapal naman ng taong ito, hindi porke at sa kaniya inihabilin ang pangangalaga sa mga ari-arian ni Warren ay akala Niya parte na siya ng pamilya Mendez! Nagpupuyos ang kalooban na sinulyapan ni Zandra ang kambal niyang si Zandro. Namumula sa galit ang kambal Niya na para bang ano mang oras ay maari na itong sumabog. Nang magtama ang kanilang paningin ay bahagyang umiling si Zandra, sumenyas sa kapatid na manatiling cool. "Ano bang klasing tanong iyan?" nagsalubong ang kilay ni Magno. Ngunit hindi pinansin ni Liam ang asawa ni Zandra. Kay Mikayla siya nakatingin. Nagpaikot-ikot naman ang paningin ni Mikayla sa mga tao sa study room. Napansin ni Liam na kinakabahan si Mikayla dahil sa panginginig ng kamay nito. "Answer me, Mikayla...gusto mo ba ang mga ginagawa ng pinsan mong si Janus sa iyo?" matalim na tinitigan ni Liam si Janus, pero ng bumalik ang kaniyang tingin Kay Mikayla ay tila nagsusumamo ang mga mata ni Liam. "What do you mean, ginagawa ko sa kaniYa?!" galit na sabi ni Janus. But Liam ignore him. He wanted to punch the young man. Sa ipinakita na takot ni Mikayla, sa panginginig ng kaniyang kamay at ang pagiging restless nito sa upuan habang katabi si Janus, ay isang bagay lang ang pumasok sa isipan ni Liam. Hindi na mahirap basahin ang kilos ni Mikayla. Pero, ayaw ni Liam na pangunahan ang kaniyang inaanak. Ayaw Niyang bigyan ng masamang kahulugan ng mga plastic na pamilyang ito ang pagkampi Niya sa bata. Hmmp, Damon sneered Inside of him. Inisip ba talaga ng mga taong ito na nasilaw ako sa Yaman na iniwan ni Warren ? He can always double what was left for them to Mikayla. Isa lang siyang executor, hindi tagapagmana. Pero ngayon pa lang nanggalaite na sa galit ang mga naiwan ni Warren. Mga walang utang na loob. Mabuti na lang at may naiwan pa rin na pera si Warren para sa kanila. And with regards to their family business, sa pagkakaalam ni Liam, nakapangalan iyon Kay Warren Mendez at Isa iyon sa mga assets ni Warren na kailangan na pangasiwaan ni Liam bago ipasa sa kaniyang anak. Umiling si Mikayla na umiiyak at hinawakan ang gilid ng suot na long sleeves ni Liam. Nakatayo pa rin kasi ito habang inabot ang folder mula Kay Attorney Abibas. "I don't like it, I don't like it.." sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ng inaanak ni Liam na ikinagulat ng lahat. "Ano bang pinagsasabi mong babae ka-" hahablutin sana ni Zandra si Mikayla dahil sa kaniyang galit. Pero napatigil ito ng magsalita si Liam. " Leave the child alone!" malamig at mabilis nitong saway sa tiyahin. Hinawakan ni Liam ang inaanak at pinatayo sa kaniyang gilid. "Ano ba kasi ang gusto mong palabasin Mr Mendoza?" galit na tanong ni Magno. Bakit parang nagdududa ka sa anak Kong si Janus?! They're cousins! At pwede ba huwag na huwag mong sigawan ang asawa ko--" "I can do whatever the f*ck I want here--" mariin na sabi ni Liam. Tumawa si Nicole, " Hindi ibig sabihin na ikaw ang executor ng asset ni Warren ay pwede ka ng umasta-- na akala mo ay miyembro ka ng pamilyang ito! Hindi komo at best friend mo ang Warren Mendez na iyon ay pwede mo na kaming sigawan.." tumayo si Nicole ngunit maagap siyang hinila ng kaniyang anak na si Marian at muling pinaupo. "Mommy, calm down.." saway ni Marían. Liam chuckled." Let me make this thing clear to all of you..." he smirked at them. " Wala akong pakialam sa yaman ng kaibigan ko, wala akong balak na maging executor sa mga ari-arian ng kaibigan ko na kung tutuusin ay walang panama sa yaman ng pamilya ko!" he chuckled again. He doesn't like to brag but they left him no choice. "Let me remind you all, uulitin ko lang ang sinabi ni Attorney Joebert Abibas, ako lang ang tagapangalaga ng ari-arian, hanggat hindi pa ito kayang hawakan ng kaniyang anak. Do you hear me? Tagapangalaga at wala akong Isang kusing na maukuha riyan at kahit mayroon pa ibibigay ko na lang sa Inyo, idagdag ninyo sa halagang iniwan ni Warren sa inyo." malamig niyang sabi. "At ikaw!" bumaling si Liam sa namumutla na si Janus. " Anong ginagawa mo Kay Mikayla?" hinawakan Niya ang kuwelyo ng binata na ngayon ay takot na takot na. "Mag-iingat ka, Mr. Mendoza, I can sue you. Alalahanin mong nasa pamamahay kita." Magno tremble. Liam chuckled once more." Narinig mo naman ang huling habilin ng iyong bayaw hindi ba? Ang manor house na ito ay pag-aari ni Mikayla. Ngayon, magsalita ka Janus, anong kahayupan ang ginagawa mo Kay Mikayla at kanina pa iyan takot na takot sa iyo!" Umiling si Janus. " I did nothing! Sige nga Mikayla ano ba ang ginawa ko sa iyo ha?" lumapit ito Kay Mikayla na nagtatago na sa likod ni Ninong. "Stop right there! From now on, hindi ka na pwedeng makalapit pa Kay Mikayla." Ninong shouted. "Tumigil ka na rin Liam!" galit na sigaw ni Zandra. "Janus is just 16 years old! Child abuse iyang ginagawa mong pwersahan na pagtanong sa kaniya at pagpapaamin. Wala namang sinabi si Mikayla na ginawang kabalastugan itong anak ko." matalim na nakatingin si Zandra Kay Mikayla. "Child abuse ba kamo?" umismid si Liam. " Oras na mapatunayan ko na may ginawa ngang masama ang anak ninyo Kay Mikayla, sisiguruduhin ko na mabulok siya sa bilangguan!" mariin na pahayag ni Liam. Sa likod ni Liam, naramdaman Niya ang panlalamig at lalo pang panginginig ni Mikayla. Nang titigan ito ni Liam, umiling ang bata at takot na takot. Malalim na hininga ang pinakawalan ni Mikayla. Bumalik sa ala-ala ni Liam ang ginawang pagligtas ni Warren sa Kaniya ng minsan na manganib ang kaniyang buhay. Bumaling ito Kay attorney Joebert Abibas na hindi makaalis dahil sa kaguluhan na nasaksihan. "Attorney, please prepare a legal adoption papers... I'm going to adopt Mikayla Mendez and be his legal guardian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD