Isang matinding lungkot at dismaya ang naramdaman ni Ezekiel nang marinig ang pag uusap ni Don Recar at ng nobyo ni Daphne na si Matthew nang pumunta ito sa silid ng kanyang amo para sabihing magpapahinga na sya, half day pa lang at agad na nayari na nito ang mga utos ng Don.
"Oh did you have a good sleep together?," magiliw na tanong ng matanda sa kausap nito. Botong boto ito sa pakakasalan ng kanyang anak na babae. Marahil ay magandang lalaki din ito at mayaman, hindi gaya nyang ang kanyang itay, kaptid, kalabaw, ilang kambing at mahigit isang ektaryang lupa lang ang natatanging itinuturing na yaman. Hindi nya alam bakit nya ikinukumpara ang kanyang sarili sa mapapangasawa ng babaeng minsan lang nyang nakasalo sa mala langit nilang pagtatalik eh wala naman balak itong pumasok sa buhay nito. Kailanman hindi sya naghangad ng yaman at buhay na hindi nya kayang abutin, ngunit ngayon wala syang hinahong ninanais na masilayan muli si Daphne.
May inis sa kanyang dibdib dahil habang napupuyat pala sya gabi gabi kakahintay kay Daphne ay kasama nya pala si Matthew sa ibang bansa at siguradong magkasama sila sa iisang silid at tabi silang matulog.
Sino ba naman si Ezekiel? isa lang syang hamak na house boy na sinuwerteng matikman at maka ulayaw ang anak ng kanyang amo dahil nataong nabihag ito sa mala modelo nyang katawan habang umuwing lasing si Daphne. Mababakas ang suya sa kanyang muka at tinatamad syang magtrabaho, nawalan sya ng gana matapos marinig ang usapan nilang yun. Kahit wala syang karapatan ay nakakaramdam sya ng selos at inggit. Nasulit man nya ang unang pagniniig nila at muntik na muling maulit iyon ay nasasabik pa rin syang naghihintay at umaasang pagbibigyan muli sya ni Daphne.
Naging sama ng loob ang kanyang hindi maipaliwanag na nararamdan, siguro dahil tuluyan na syang naga yuma ng tunog ng mga halinghing ni Daphne nung gabing yun dahil magpasa hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang isip at pakiramdam ang amoy ng kanyang pawis, ang malambot nitong balat at ang mala talabang lasa ng kanyang basang p u k 3. Gusto nyang magpalipas ng araw sa kanyang silid dahil natapos naman na nito ang lahat ng pinapatrabaho ni Don Recar. Nakaligo na rin sya at nakapag ayos na sa kanyang kwarto. Maging ang ibang kasambahay ay nasa loob na rin ng kanilang staff room. Kung mabuburyong sya dito ay mapapa laro na naman ito sa sarili ng ilang beses sa tanghaling tapat dahil wala naman itong ibang gagawin. Nagpasya itong subukang magpaalam kay Don Recar na dalawin ang kanyang itay at kapatid sa bukid para doon na magpalipas ng maghapon.
"Mukang malapit ka talaga sa tatay at kapatid mo iho?," tanong ni Dom Recar nang magpaalam si Ezekiel. "Sabagay maging ako man ay nangungulila sa mga anak kong lalaki sa ibang bansa."
"Opo Don, kami kami lang talaga ang magkakasama at malalayo din ang iba naming kamag anak." puno ng paggalang na tugon naman muli nito.
"Oh sya sige basta't tapos na ang trabaho mo ah at siguraduhin mong babalik ko bago kumagat ang dilim."
Tumalikod na ang matanda matapos nag abot ng dalawang libong piso para daw ipambili ng magagamit ng kanyang tatay at kapatid, wala na itong huling sinabi pa kaya naman agad syang lumabas ng mansion.
Kung tutuusin ay sobrang maunawain ang matanda, hindi ito abusado at tinuturuan lang ang mga taong nagkakautang sa kanya na panindigan ang kanilang mga pangako gaya ng tatay nya na hindi na kayang bayaran ang pagkaka utang dito. Naiintindihan naman nya ito at sinalo na nya ang responsibilidad bilang panganay na anak sa kanilang dalawang magkapatid.
....
"Jusko ang panganay ko," Halos maiyak sa galak ang kanyang tatay nang makita syang paparating, agad napawi ang pagod nito sa pagbubukid at agad na sinalubong sya para buksan ang yari sa kawayan nilang gate. "Kumusta ka anak ko?,"
"Lyndon ang kuya mo," sigaw naman nito sa kanyang kapatid na nasa poso.
Ipinakita nito sa kanyan ang bitbit nitong sofdrinks at tinapay na nabili nya sa tindahan ng kababata nyang si Mikay na halatang gulat na gulat nang makita nya ito, saglit silang nagkamustahan at agad din syang nagpaalam.
"Kuya Kiel!!," magiliw ang pagbati ng kanyang kapatid na iniwan muna ang iniigib nitong tubig at mabilis syang nilundag ng lingkis sa kanyang leeg.
"Huwag nyo ng pilitin kung hindi nyo kaya itay, andito naman si Lyndon," wika ni Ezekiel sa kanyang ama.
"Ako ng bahala dito kay itay kuya, kung gusto mo ako muna din ang papalit sayo sa mansion sa bakasyon para ikaw din ang makasam ni itay dito." Natutuwa itong naiintindihan ng kanyang nakababatang kapatid nag sitwasyon nila.
"Eto may binigay si Don Recar," Inilabas nito ang sukli ng bigay sa kanya ng kanyang amo.
"Dagdag gastos nyo at dagdag baon mo"
"Meron pa ako kuya, maaga ako umaalis dito sa bahay nilalako ko sa daan yung mga nakukuhang gulay jan, yung iba mga teachers bumibili."
.....
"Kumusta ka doon kuya?"
Biglang tanong ni Lyndon sa kanya nang naka upo sila sa silong ng puno ng mangga sa tabing ilog at pinapanood ang kanilang kalabaw na lumublob sa tubig matapos uminom. Tanaw sa kabilang dako ang nagsasayawan na puting bulaklak ng mga talahib na nagpapakalma kay Ezekiel habang pinagmamasadan nya ang mga iyon.
"Magulo ang buhay sa labas Lyndon," sagot nito sa kapatid. "Hindi ko akalain ang ikinikilos ng mayayamang tao at kung pano sila mag aksaya ng oras, pera at pagkain"
"Mas mahal pa ang kinakain ng kanilang mga imported na aso at may breed na pusa na hindi naman nila napapakinabangan, maswerte tayo at may kalabaw tayong ipastol mo lang at pakainin ng damo ay maaasahan mo na at mas mabigat pa ang ginagawang trabaho kumpara sayo."
"Yung mga pusa nila naka aircon, may gamot pa. Nakahilata buong magdamag at halos subuan pang kumain."
"Doon palamuti ang mga mamahaling isda Lyndon, naka silid sa aquarium at may espesyal na pagtrato pa".
Tahimik lang si Lyndon at hinihintay ipagpatuloy ng kanyang kuya ang kanyang sasabihin.
"At higit sa lahat naroon ang lahat ng uri ng tukso na wala dito sa bukid."
Napatingin sa kanya ang kapatid.
"Tukso?"
"Oo kase kung dito sa bukid may nakakalasong palaka, doon naman may nakakagayumang p u k 3 na pag natikman mo hahanap hanapin mo. HAHAHAH,"
"G*go ka talaga kuya!," tumawa rin ng malakas ang kapatid sa kanilang pinag uusapan. "Umuwi ka lang talaga para magyabang tungkol sa p u k 3!!!"
Marami pa syang gustong i kwento kay Lyndon sa nakikita nya sa mansion kahit wala pa syang kalahating buwan na nananatili doon pero mas pinili nitong pag usapan nila ang estado nila doon dahil pare-pareho silang naninibago na magkakawalay sila.
"Kuya pasensya na ah," seryosong wika ng naka babatang kapatid. "Dahil sa pag aaral ko nabaon tayo sa utang, pero wag ka mag alala kuya graduating na ako at ito na ang huling bebeses na uutang tayo."
Nilingkis ni Ezekiel ang braso nya sa leeg ni Lyndon.
"Ang drama mo, natutuwa ako na pinagbubuti mo ang pag aaral mo kaya focus ka jan."
"Sya nga pala kuya madalas ka hanapin ni ate Mikay sa tindahan bakit ba ayaw mong ligawan yun eh halata namang type na type ka nun?".
up Pag iiba ni Lyndon sa usapan. Kababata ni Ezekiel si Mikay, halata naman nyang may gusto sa kanya ang babae sa mga pasimpleng effort nito, gaya ng minsan napapasobra ang lagay nito sa supot pag namimili ito sa tindahan nila. Ramdam nya iyon pero mas pinili nyang magbulag bulagan at piliin ang pagkakaibigan. Ilang beses nya ng nahuling nakatanaw sa kanya mula sa kanilang terrace pero hindi nya ito ipinapahalata. Parang pakiramdan nya ay naaawa lang ito sa kanya at ayaw nyang samantalahin ang kabaitan nya. Maayos na ang relasyon nila bilang magkababata at magkaibigan.
"Hindi kami bagay nun, may gusto ako sa kanya pero isinantabi ko na dahil malabo naman maging kami"
"Sabagay siguro naman yung p u k 3 na natikman mo hindi lang taga jan sa tabi tabi ah,"
Hinampas nya ito sa batok dahil bumalik na naman sa isip nya si Daphne at saka lang nya namalayan ang papalubog ng araw, napasarap ang kanilang kwentuhan at baka hinahanap na sya ni Don Recar sa mansion.
Pagbalik nilang magkapatid sa bahay nila ay nadatnan nilang nakahanda ang dadalhin nitong mga gulay pabalik sa mansion.
"Mag iingat ka doon anak wag mo kaming alalahabun ni Lydon dito."
"Kayo ang mag ingat tay saka binilin ko na si Lyndon pag kelangan ng kahit ano patakbuhin mo sya sa mansion, maunawain naman si Don Recar."
Nagpaalam na ito sa kanila at dinaanan din si Mikay sa tindahan na halatang inabangan sya at tila lumukot ang muka nang mapansing may mga dala ito at malamang iyon na naman ang huling pagkakataong makikita nya ito.
"Kelan ka babalik Kiel ?," Pahabol na tanong nito sa lalaking saglit na tumigil para kausapin sya.
"Baka isang taon ako dun pero dadalaw dalaw ako saka pupuntahan naman kita pag andito ako."
"Mamimiss kita," pabiro ang pagkakasabe nito pero alam ni Ezekiel na may laman iyon.
"Syempre mamimiss din kita Mikay"