Ilang oras lang ang byahe mula sa South Korea pabalik sa Pinas pero hindi alam ni Daphne kung ano anf ikina iirita nya, hindi naman sya nagmamadali pero gustong gusto na nitong makalapag ang eroplano at maka uwi na. Susunduin sya ni Matthew sa airport at nandoon na daw ito, naalala nya ang masiglang tawanan nila sa hotel sa korea at napapaisip sya kung matutuwa pa rin ba sya kung muli nyang makita ang kanyang nobyo o nagkataon lang na naboring lang ito doon kaya't napagdiskitahan nyang sutilin ang lalaki. Napasulyap sya sa batang naka titig sa kanya habang naka ngiti. Wala naman syang galit sa bata pero parang may kung inis itong naramdaman kayat pinandilatan nya ito ng mata saka umirap. "What are you staring at?," gusto nyang kurutin ang batang nagsisimula nang umiyak dahil sa pandidi

