Abalang nag tri-trim ng mga naglalakihang bonsai sa may hardin si Kiel nang bigla syang hilain ni Shane tungo sa may lilim na ikinabigla nya na dahilan para muntik pa itong ma out balance sa tinutungtungan nitong hagdan. "Ano ka ba Shane, nakikita mo ba gaano kalaki tong hawak kong gunting pang trim dito? madidisgrasya tayo sa ginagawa mo eh." "Halika ka nga dito kelangan nating mag usap" Tila nag uunahan ang gustong sabihin ni Shane sa binata dahil nagkakanda utal utal pa itong pasilip silip sa loob ng masyon. Mainit na sa labas dahil ala una y medya na ng tanghali at naliligo sa sariling pawis si Kiel ngunit hindi nakaka irita sa ilong ang amoy nito sa kanyang hubad na katawang babad sa araw, tila mga sesame seeds ang mga butil butil nitong pawis na naka tuldok sa kanyang matitigas

