ALTHEA
Nagmamadali akong lumayo sa kaniyang harapan at natatarantang kinuha ang unan sa kama nito.
"Ang mabuti pa, maligo ka na dahil sa sofa ako matutulog!" sabi ko sabay pagpag ng mahaba at malambot nitong sofa.
Imbes na sundin ang sinabi ko ay nakakaloko niya akong tinitigan.
"Do you want to shower together?"
Talaga naman...
Pinaglalaruan ba ako ng lalaking 'to?
Muntik ko nang maihagis sa kaniya ang unan, mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili.
"Don't be mad, Honey. Handa naman akong maghintay hanggang sa ikaw na mismo ang magyaya sa akin."
Halos mapasabunot ako sa aking sarili habang pinagmamasdan itong naglalakad papuntang shower.
Maliban sa inis na naramdaman ko dahil sa kaliwa't kanang pang-aalaska niya sa akin ay dumagdag pa sa isipin ko ang litratong nasa ibabaw ng cabinet nito.
Bakit hindi ko matandaan kung kailan at saan kinunan ang litratong nakita ko?
Sino ka ba talaga Tyrus Saavedra?
Nagising ako kinaumagahan nang walang ibang tao sa master's bedroom. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos dahil alam kong wala rin namang ibang makakakita sa akin.
Maliban doon, mukha pa rin naman akong walang tulog dahil sa lalim ng mga mata ko.
Buong magdamag kasi akong nakababad sa internet para kilalanin ang lalaking napangasawa ko at talaga namang hindi na ako nakatulog sa natuklasan ko.
He's Tyrus Saavedra — 30 years old, a billionaire and one of the rightful heir of the Saavedra clan. Nagmamay-ari siya ng hindi mabilang na industrial firm hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Napaka-successful nitong tao at talaga namang lampas sa limang pages ang mga achievements niya.
Sinubukan kong mas laliman pa ang pananaliksik, hinanap ko kung nagkaroon ba ito ng past relationships ngunit hindi mabilang na chismis lamang ang nasagap ko.
May isang article pa doon na minsan na raw itong nagkaroon ng fiancé ngunit hindi lamang natuloy ang kanilang kasal sa hindi malamang kadahilanan.
Kung gano'n naman pala, bakit hindi na lang ito naghintay na dumating ang babaeng nararapat para sa kaniya? Bakit ginulo pa nito ang nananahimik kong buhay?
Bumangon ako sa sofa at natulala na lamang nang makita ang makapal na comforter sa sahig. Siguro napansin niyang nilalamig ako kagabi kaya nag-abala pa siyang kumutan ako.
"Good morning, Honey."
Muntik nang malaglag ang puso ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may hawak na food tray. Nakasuot ito ng isang gray V-neck shirt at cargo shorts, simple lamang ang suot nito pero lutang na lutang pa rin ang kaguwapuhan niya.
"Ty—" mahina akong napaigham nang mapansing nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Honey..." pagtutuwid ko na ikina-ngiti naman niya.
Hindi siya nagsalita, naglakad lamang ito papalapit sa akin saka dahan-dahang inilapag ang hawak sa maliit na mesang nasa aking harapan.
"Breakfast in bed?" nakangiti niyang sambit saka naupo sa tabi ko.
Tinitigan ko lamang siya nang maigi na para bang sinusubukan kong kilalanin ang lalaking nasa harapan ko. Ngumiti naman ito sa akin na tila ba nagustuhan niya ang ginagawa kong pagtitig sa kaniyang mukha.
"Titig na titig ka na naman sa akin. Gano'n ba ako kagwapo sa paningin mo, Honey?" aniya saka mahinang natawa.
Bahagya akong natulala sa harapan nito, hindi ko maintindihan kung bakit may naramdaman akong konting kirot sa puso ko.
Sa kabila ng lambing at sweetness na ipinakita niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit may lungkot pa ring namayani sa aking dibdib.
"Let's eat?" paanyaya niya saka inabot sa akin ang kutsara at tinidor.
Pero hinawi ko na lamang ang kamay nito dahilan para mahulog ang mga kubyertos sa sahig.
Saglit akong natulala nang pumasok sa isipan ko ang imahe ng isang lalaking matamis na nakangiti sa aking harapan habang magkahawak ang aming mga kamay sa tabing-dagat. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya na para bang ayokong humiwalay ito sa akin.
Nahigit ko pa ang aking hininga nang mapagtanto na katulad na katulad iyon ng sunset sa background ng picture na nakita ko kagabi.
Tabing-dagat...
Sunset...
May engagement ring na nakasuot sa palasingsingan ko ng mga oras na iyon.
"Please tell me the truth, Tyrus...Sino ka ba talaga sa buhay ko?"
Ayokong maiyak sa harapan nito pero parang may sariling isip na kumawala ang luha sa mga mata ko.
Mataman ko siyang tinitigan hanggang sa hindi ko na nagawang kontrolin pa ang halo-halong emosyong nararamdaman ko.
"Anong ibig sabihin ng litratong nakita ko kagabi? Ang engagement ring na suot ko habang nasa tabing-dagat tayo?"
Napakarami kong gustong itanong sa kaniya, kasing rami ng mga bagay na bumabagabag ngayon sa isipan ko.
Hindi ko man matandaan lahat pero nakasisigurado akong natatandaan ng puso ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
He's not just my instant husband...
Mas malalim pa doon ang nakaraan naming dalawa.
Tinanong ko na naman siya. "Totoo bang may utang sa'yo ang kakambal ko o gawa-gawa mo lang ang lahat?"
Mas mabuti nang malaman ko ang totoo habang maaga, kesa dumating ang puntong ayoko nang pakinggan ang mga paliwanag niya.
Hinintay ko ang magiging sagot ni Tyrus ngunit nanatili itong tahimik sa kinauupuan habang tulala sa akin.
"Why did you marry me all of a sudden?"
Unti-unting nabasag ang boses ko. Kahit kasi anong gawin ko, ayaw pa ring huminto ng mga luhang nag-uunahan sa aking mga pisngi.
"Bakit mo pinakasalan ang babaeng minsan ka nang nakalimutan?"
Pinunasan niya ang mga luha ko habang naluluhang nakatingin sa akin.
"Dahil alam kong balang-araw maaalala mo rin ako at nangako ako sa sarili kong babalikan kita oras na kaya ko nang panindigan ang mga pangakong binitawan ko sa'yo two years ago."
Malalim akong napalunok. Sinubukan kong alalahanin ang mga pangakong sinasabi niya ngunit umiling lamang ito at puno ng lambing na kinulong ang magkabila kong pisngi sa mga palad niya.
"Don't force yourself to remember everything at once. Alam mo ba kung bakit sinabi ko sa'yong hindi mo kayang bayaran ang utang ni Athena? Dahil malaki ang atraso sa akin ng kakambal mo. Nangako siyang tutulungan niya akong ipaalala sa'yo ang lahat pero hindi nito nagawa ang pangakong binitawan niya kahit dalawang taon na ang lumipas."
Hindi ako nakasagot.
Totoo ang sinabi nitong dalawang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mangyari ang aksidenteng muntik ko nang ikinamatay. Humigit-kumulang tatlong buwan din akong nanatili sa ospital noon dahil natagalan ang recovery ko. Ang natatandaan ko lang ay pauwi na ako noon mula sa isang kliyente nang mawalan ng preno ang sasakyang bigla na lang sumingit sa intersection, jackpot namang nagmamadali ako pauwi sa tinutuluyan kong condominium unit.
May nabanggit ang mga magulang ko tungkol sa pagkakaroon ko ng dissociative amnesia pero mas pinili nilang manahimik dahil naging madalas ang p*******t ng ulo ko sa tuwing inaalala ko ang mga nawala kong alaala.
Siya ba ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nalulungkot nang hindi ko alam kung bakit?
Siya ba ang tunay na dahilan kung bakit namuhay ako ng dalawang taon na para bang may kulang sa buhay ko?
"I told you that the wedding was planned, Honey and that's true. Ito ang naisip na plano ng kakambal mo para mapaglapit tayong dalawa nang mabilisan."
Kumunot ang noo ko. "At pumayag ka rin sa kalokohan ng kakambal ko?"
Tumango siya dahilan para umurong ang mga luha ko. "Dapat na ba kitang bigyan ng award dahil sa pagiging best actor mo? Paano kung may pulis na nakakita sa atin habang kinakaladkad mo ako papuntang attorney's office? Alam mo bang grabe ang naramdaman kong takot habang ikinakasal tayong dalawa?"
Malapad siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako nang masilayan ang kyut nitong mga dimples na nagmistulang balbas ng pusa malapit sa kaniyang cheekbones.
That smile made my memories about him flow little by little.
"I just followed everything that's written on your twin's plan. Ang totoo, nahirapan akong kontrolin ang sarili ko...but everything's worth it," aniya saka mahinang natawa.
Umawang na lamang ang labi ko habang inaalala ang kinang sa mga mata nito nang magawa niya akong mahalikan. Kaya naman pala para siyang nanalo sa lotto pagkatapos ng kasal.
"Gusto kitang yakapin nang mahigpit, gusto kita buhatin nang mas matagal pero pinigilan ko ang aking sarili dahil paniguradong malakas na sampal lamang ang aabutin ko galing sa'yo."
Hindi ko napigilang huwag matawa sa sinabi niya. Gano'n ba ako ka-amazona sa tingin nilang lahat? Kaloka!
"Dalawang taon akong nawala, Althea pero maniwala ka sa akin..." Muling nangilid ang mga luha ko nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang."
Lumuluhang napasubsob ako sa kaniyang balikat. "Pero nakalimutan kita, Tyrus. I'm sorry...I'm really sorry."
"Don't say that, Honey." Mas humigpit lamang ang pagkakayakap niya sa akin. "I stayed in your heart because heaven gave us a second chance to be together. 'Yon ang dahilan kung bakit naalala mo ako."
Napangiti na lamang ito dahil napagtanto niyang tama si Tyrus, tama ang sinabi ng lalaking mahal niya.
Akala ko ay magagawa ko nang makapagpahinga mula sa dami ng mga isipin nang muling ipaalala sa akin ni Tyrus ang appointment namin kasama ang kaniyang mga magulang.
Napabuntong-hininga na lamang ako matapos ayusin ang aking buhok at pagmasdan sa salamin kung ayos lang ba ang kapal ng make-up sa aking mukha. Ayoko kasing magmukhang clown sa harapan ng pamilya niya mamaya.
"Are you ready, Honey?" nakangiting tanong niya sa akin.
Muntik namang mahulog ang mga panga ko nang masilayan ang gwapo at nakakalokang kakisigan ng aking asawa. Simpleng branded polo shirt lang ang suot nito pero nagmukha na naman siyang model sa harapan ko.
Hindi kaya sumakit ang ulo ko sa dami ng mga babaeng titingin sa kaniya mamaya? Bahala na.
"Bakit walang katao-tao?" mabilis kong tanong nang mapansing nagmistulang ghost town ang establishment na nilalakaran naming dalawa.
Tahimik ang hallway, walang taong namimili sa first floor at guwardiya lamang ang sumalubong sa aming dalawa.
Hindi naman umimik ang kasama ko hanggang narating namin ang elevator.
"Sorry, Honey."
Naglakad siya papunta sa aking likurat hanggang sa kinabahan na lamang ako nang nilagyan nito ng piring ang aking mga mata.
"I love you."
My heart melted.
Pero mas lalo pang kiniliti ang puso ko nang maramdaman ulit ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking kamay habang naglalakad kami papunta sa hindi ko malamang direksyon.
Napuno ng excitement ang puso ko kahit wala akong nakikita. Ang alam ko lang, nakakalambot ng puso ang malumanay na musikang nakadagdag pa sa emosyong namumuo sa aking dibdib.
I draw a deep breath and felt someone behind me, hindi ito umimik habang tinatanggal ang piring sa mga mata ko.
Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong niya naman ako ng matamis na ngiti.
"Surprise?"
I pressed my lips together. Kaagad namang uminit ang paligid ng mga mata ko nang makita ang mga taong mahalaga sa buhay naming dalawa ni Tyrus.
Nakangiti sa harapan namin ang pamilya Saavedra, ang mga magulang kong naluluha pa habang nakatingin sa aming dalawa at ang kambal kong namumula na sa kakaiyak.
Bakas sa mukha nilang lahat ang labis na kaligayahan habang hawak ang mga letrang bumubuo ng mga salitang, 'BEST WISHES, TYRUS & ALTHEA.'
"This is not my original plan, Honey. Kung hindi mo ako naalala agad, gusto sana kitang dalhin sa beach kung saan ako nag-propose sa'yo noon."
Mabilis na inabot ni Tyrus ang aking kamay nang makita nitong hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa sobrang saya. Sinamahan niya akong maglakad papunta sa kinaroroonan ng aming pamilya.
"Hindi ka na ba galit sa akin, kambal?" sabi ni Athena habang panay ang singhot. "Sabi ko naman sa'yong may lalaking nakalaan para sa'yo, 'di ba? Medyo natagalan lang."
Sinimangutan ko siya. "Ewan ko sa'yo, kambal. Muntik mo na akong ipahamak dahil sa utang mo! Mabuti na lang, instant wedding pala at hindi monetary."
Tuluyan namang naiyak si mommy habang nakatingin sa aming dalawa ni Tyrus.
"Congratulations on your wedding, anak. I'm so glad, hindi mo alam kung gaano kami kasaya ng daddy mo na makita kang masaya ulit kasama si Tyrus."
Mabilis naman itong inakbayan ni daddy na nakipag-shake hands lamang sa aking asawa.
Nanatiling malapad ang ngiti ko hanggang sa napalitan iyon nang kaba nang marating namin ang pamilya nito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Tyrus sa takot na baka mamaya nagbago na pala ang paningin sa akin ng mga Saavedra. Hindi na tulad sa nai-kuwento niyang treatment nila sa akin two years ago.
"Congratulations, hija. I'm so proud of you, anak." Para akong nakahinga nang maluwag pagkatapos marinig ang sinabi ng mommy nito.
Ngumiti naman ang daddy at mga kapatid niya sa amin hanggang sa niyakap pa ako nang mahigpit ng kapatid niyang babae.
"That's enough, Cia. Pwede bang ako naman?" anito na para bang nagseselos sa kapatid.
Muntik pa akong matawa sa ekspresyon ng mukha ni Tyrus pero hinayaan kong dalhin niya ako sa gitna ng hall. Masaya kong pinaunlakan ang paanyaya niya sa aking sumayaw dahil nakahawak na ito agad sa aking bewang. Hindi naman halatang mahilig sa mabilisan ang asawa ko, ano?
"I'll dance with you here, Honey. Mamayang gabi tayong dalawa naman ang sasayaw," makahulugang wika nito.
Natatawa ko siyang tinitigan. "At gusto mo ako naman ang magyaya sa'yo, hindi ba?"
Tumango ito. "Oo, at ipinapangako kong tutuparin natin ang dream wedding mo as soon as possible."
Napasandal na lamang ako sa kaniyang balikat habang nagsasayaw kaming dalawa sa saliw ng malumanay na musika. Kung alam lang nito kung ilang beses akong nagpasalamat sa Diyos dahil hinayaan Nitong muli kong maalala at makasama si Tyrus.
Totoo ngang, "Love is sweetest the second time around."
Matagal na panahon ding nangulila ang puso ko sa pagmamahal na minsan kong nakalimutan. Nagawa kong mamuhay ng normal at walang kaalam-alam na may tao pala akong naiwan, wala akong kamalay-malay sa hirap at sakit na dinanas ni Tyrus nang mga panahong magkalayo kaming dalawa.
Without my knowledge, nakilala ko ang kakaibang bersyon ng lalaking una kong minahal. Ubod na ito ng yaman at successful na akala ko'y hindi ko na siya muling maaabot.
But that distance didn't last when he reached out to me and tried to win me back.
How?
Through an instant wedding where I became his substitute wife.
Pero nagkamali pala ako ng akala, dahil totoong para sa akin ang kasal na 'yon kasama ang lalaking pinakamamahal ko.
END