Madeline Reyes Hindi niya maexplain ang nararamdaman niya. Talagang ang saya saya niya ngayon. Ngayon alam ko na ang feeling na pinagmamalaki sa lahat at lalo akong nakakadagdag ng self confidence ko. Nagulat ako na may mga lumapit sa amin na mga business associate ni James binabati kami at pinupuri ako bilang asawa niya. Mahal na mahal ko si James pero sana lang magkaroon na ako ng lakas ng loob para alamin at ikumpirma ang bagay na gumugulo sa akin nitong mga nakaraang araw. Nagpaalam ako na pupunta lang wash room. Gusto pa akong samahan ni James pero sabi ko ok lang naman at alam ko naman na kung saan ang wash room dahil nakagamit na din ako kanina kasama siya. “Ok be careful and watch your step, expect me to be there kapag masyado ka ng nagtagal doon.” Sabi niya sa akin. Kaya naman

