Flash back May sinabi si Beth na may pupuntahan siyang kasal. Kasal ng inaanak niya sa binyag na si Christian dahil isa din siya sa napili nitong maging ninang sa kasal nito. Yun nga lang dahil araw bago ang kasal umatake ang asthma niya at medyo nalate siyang nagising. Kaya kahit hindi na siya nakalakad sa aile ay pumunta pa din siya sa kasal kahit sa reception na siya dumiretso makita lang ang bagong kasal. Pagdating niya sa reception ang naabutan niya ang paghagis ng bouquet nagkataon naman ay namukaan niya kung sinu ang dalagang nasa gitna walang iba kung hindi si Madeline. Hindi siya makapaniwala na sa iisang kasal pala ang pupuntahan nila. Hindi siya nito nakita dahil nakapuwesto siya sa dulo kung saan sa tingin niya ang relative ng bride ang kasama niya sa napuntahan niyang lames

