Madeline Reyes Tulad nga ng gustong mangyari ng kanyang mother in law ay nagkaroon sila ng konting salo salo sa kanilang bahay. Hindi nga niya masabi kung konti nga ito dahil sa dami ng pagkain na dumating. Literal na parang fiesta dahil may lechon pang nakahain sa lamesa nila. Nagulat talaga siya sa mga dalang pagkain ng kanyang mga in laws. Sabi nga niya sa asawa hindi pa lumalabas si baby ganito na kagarbo kung maghanda ang parent’s in law paano pa kaya kung pinagbinyagan pa nila si baby baka lalo lang. Nagkibit balikat lang si James na tila expected na niya na ganito ang magulang niya lalo ang kanyang mother in law. Ang sabi nga niya sa akin. “She is not my mom if she is not like that generous.” Kaya talagang pati ang magulang niya at mga kapatid niya ay na shock dahil sa nadatnan ni

