Madeline Reyes May naririnig ako mga taong naguusap sa paligid ko. Gusto ko sanang dumilat para malaman ko kung sinu sinu ang andito, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko at nahihilo ako. Kaya naman kahit gusto ko ng dumilat ay hindi ko pa kaya dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Kaya naman pinili ko na manatili na lang muna nakapikit at matulog, umaasang kinabukasan ay may lakas na akong taglay para magmulat at makita ang aking paligid. Naramdaman ko ng may humalik sa aking labi at sa aking tiyan. Nabosesan ko si Mommy na may sinasabi pero hindi ko maintindihan. Kaya naman sinubukan kong irelax muna ang katawan ko para magawa ko ng dumilat. Naramdaman ko ng may humawak sa kamay ko. Napagtanto ko na si James ito. Pero bakit siya umiiyak. Bakit umiiyak si J

