Madeline Reyes Kasalukuyan kaming nabiyahe papunta sa restaurant kung saan kami magdinner. Masaya ako kasi kahit paano nararamdaman ko na sinusubukan din ni James na magwork out ang relasyon namin kahit nagsimula lang sa aksidente lahat. “Were here.” Narinig kong sabi ni James. At mabilis itong lumbas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Pasimple niya akong hinapit sa bewang at sabay na kami pumasok sa loob ng restaurant. “Reservation for Mr. and Mrs Madrigal.” Dinig kong sabi ni James sa waiter. Nung narinig ito ng waiter ay nakita ko ang pagiging alisto nito at hinatid kami sa table namin. Pagkaupo ko ay tiningnan ko ang loob ng restaurant. Mahahalata talaga na hindi ito basta bastang restaurant. Nakakatawa lang hindi nga ako nagkabf pero may asawa na ako ngayon. Ganito pala an

