KABANATA XXX NAGISING si Trina dala ng pangangalam ng sikmura. Tulog na tulog na si Johan sa tabi niya, hindi niya man lang namalayang nakatulog na pala ito. Natuwa siya sa ayos ng kapatid niya, mukhang komportableng-komportable ito. May payapang mukhang. Kung pwedi niya lang sana ibigay ang buhay na kagaya nito kay Johan nagawa niya na, pero kahit na ano'ng sipag yata ang gagawin niya mukhang hindi niya makakaya. Mahirap para sa kaniya ang lahat. Sa paghahanap pa nga lang ng trabaho nahihirapan na siya. Wala rin kasi siyang natapos, hanggang ikalawang taon lang siya sa kursong computer secretarial--- kaya halos na pinag-aaplayan at experience niya sa trabaho related lamang dito. Mabuti na nga lang may ilan siyang kaibigan na handang tumulong sa kaniya, lalong-lalo na si Lanie na h

