CHAPTER 52 NAKAUWI silang tatlo ng maayos sa villa. Tahimik pa rin si Trina, sa sarili niya hindi alam kung saan ba magsisimula ng usapin kay Kidlat. Tulad nga ng desisyon niyang nabuo sa sarili gusto niya ng iwasan ito.Dahil malakas din naman ang loob niyang si Kidlat ang dahilan ng galit ni Tomas sa kaniya, kaya nakuha pa siya nitong harapin, dahil ito kay Nica. At iyon ay maluwag na tatanggapin ni Trina sa sarili. Kung kinakailangan niyang iwasan ito gagawin niya. Iyon ang nakabubuti para sa kanilang lahat. Lalo na sa relasyon nila ng nakababata niyang kapatid pag nalaman na nio ang lahat. Isa pa, matutuwa rin siya dahil kung hindi sa kaniya mapupunta si Kidlat alam niyang magiging masaya naman si Nica. Napasinghap siya ng mahabang hininga at nilingon si Kidlat at Johan. Patungo ang

