CHAPTER 84 ---- "HINDI ko alam kung paano makapagpasalamat sa'yo sa ginawa mong pagbalik kay Johan sa amin, Kid, " simula ni Trina habang magkatabi sila ni Kidlat nakaupo sa pandalawahang silya sa veranda ng malaking bahay ng binata. "Ang makita kang masaya ay sapat na sa akin, Trina. Dahil hindi mo lang alam kung gaano ka-doble ang sayang nararamdaman ko pag masaya ka, Trina." Liningon itong nakangiti ni Trina. "Buo na ang pamilya ko, Kidlat. Buo na rin ang pagkatao ko, ang matagal na kakulangan ako---" Hinawakan nito ang kamay niya, dinala sa labi nito ang likurang bahagi ng palad niya. Nagpalipat-lipat ang mga tingin ni Kidlat sa mga mata niya. "Mula ngayon, ayaw na ayaw ko ng makita kang nalulungkot pa, Trina. Ikababahala 'yon ng puso ko, baka kasi ako ang maging dahil

