CHAPTER 69 --- DAHAN-dahan nilang binuksan ni Kidlat ang pinto ng silid ni Johan. Iyon na lamang ang gulat nilang dalawa nang naabutan nila itong may malay na. Nakangiting sinalubong sila ng tingin ni Kidlat. Agad na nagmadali si Trina para lapitan ito at niyakap ng mahigpit ang kapatid niya. "Gising ka na, Johan," bulong ni Trina sa punong teynga nito. Walang pagsidlan ng saya ang puso niya, sa mga nangyari sa buhay niya ngayon--- una nang magtapat si Kidlat ng pag-ibig niya rito at heto nga gising na si Johan. Wala na siyang kailangan pa, para sa kaniya buong-buo na siya. "Thankyou, Ate. Kasi tinawagan mo si nanay, para makauwi na siya." Biglang kumuwala ng yakap si Trina kay Johan sa sinabi nito sa kaniya, pagtataka ang siyang naramdamam niya kung bakit ganoon na lamang ang si

