CHAPTER 44 - - - - MAAGANG nagising si Trina. Halos hindi talaga siya makatulog nagdaang gabi, dahil sa hindi maipaliwanag na pag-aalalang nararamdaman niya. Nagtaka siya at wala na si Johan nang gumising siya. Nagmadali siyang bumangon para hanapin ang kapatid niya. Kahit na alam niyang kasama lang ito ni Kidlat sa labas, nag-aalala pa rin siya. Tumungo muna siya sa banyo ng silid nila ni Johan, para ayusin ang sarili niya. Magpapalit din siya ng pajama, suot niya pa ito kagabi. Bigla siyang nagmadali sa isiping baka wala pa silang pagkain. Nakakahiya naman kay Kidlat kung pati ang kakainin pa sagot pa nito. Tiningnan niya ang wallet na lagi niyang dala, may dalawang libo pa siya sapat pa para sa kakainin nilang tatlo. Wala sa sariling napangiti si Trina sa naisip. Ililibre

