CHAPTER 65 --- HINDI alam ni Chandra kung tama ba ang desisyon niyang gagawin. Kahit alam niya ang mangyayari sa kaniya pag nalaman ni Tomas ang siyang binabalak niya. Gusto niyang puntahan si Johan, para alamin ang lagay nito. Kung may maitutulong siya gagawin niya, tama na ang ilang taong pagtatago ng tungkol sa dalawa niyang anak. Panahon na rin siguro para ipaglaban niya ang mga ito. Handa siyang mawala si Tomas sa buhay niya at alam niyang pag nangyari iyon, malakas ang loob niyang hindi nito pababayaan si Nica. "Mommy may lakad ka?" Kaba ang siyang naramdaman ni Chandra, nang maabutan siya ni Nica sa loob nang silid nila ni Tomas. Nakabihis rin ito pero hindi niya alam kung saan ito pupunta wala naman kasing sinasabi sa kaniya si Nica. Nagising rin siyang wala na si Tomas sa

