CHAPTER 67 --- "WALA ka man lang ba sasabihin, Trina?" untag ni Trina kay Kidlat. Kung ganoon lang sana kadali ang mga sasabihin niya, hindi na siya nag-atubili pang sabihin dito ang lahat ng nilalaman ng dibdib niya, tungkol sa mga pinagtapat nito sa kaniya. Hindi niya naman kasi aakalaing, magkatotoo ang siyamg iniisip niya lang kanina. Sino ba naman mag-aakalang mararamdaman ito ni Kidlat sa kaniya? Gaya nga ng sinabi nito noon sa kaniya, mahal lang siya nito bilang kaibigan. "Hindi ko alam ang sasabihin ko--- nabigla ako, Kidlat. Hindi ko kasi alam kung totoo ba ang siyang mga sinabi mo," tugon niya rito Ito naman ang siyang tumahimik sa naging sagot niya hindi niya tuloy alam kung ano ba ang iniisip nito gustong gusto niyang saguting mahal niya rin ito gaya ng totoong damdamin

