"REALITY, or is it just a distraction that laid by him?" patanong na wika ng kapwa abogado ni Santi. Kaya naman ay napaangat siya ng paningin. "Him? Sino ang tinutukoy mo, Sir?" may pagtataka niyang tanong. Kilalang-kilala na niya ang mastermind sa lahat ng kaguluhan. Ngunit sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban dito ay nanatili siyang tahimik. Tama ang mga magulang niya na kahit lalapit sila sa royal family kung walang maihahaing kongretong ebidensiya ay matatalo siya. "Attorney Cameron, huwag ka ng magmaang-maangan pa. Alam na alam mo kung sino ang tinutukoy ko," giit nito saka naupo sa mono-block chair sa harapan ng kaniyang lamesa. "Pasensiya ka na, Sir. Ngunit talagang wala akong alam sa tinutukoy mo. Kaya't kung gusto mong sagutin ko ng maayos ang iyong katanungan ay mas m

