"KAWAL ng DRAGONIANS, makinig kayong lahat! Ang kaharian natin ang nakasalalay sa giyerang ito. Kaya't kung gusto ninyong magpatuloy ang ating paghahari sa mundo nating mga dragon ay kailangang gawin ninyo ang lahat-lahat ng makakaya n'yo upang matalo sila. Hindi ang tulad ng taong iyon ang nararapat na mamuno sa mundo nating mga dragon. Maliwanag ba?" "Opo, Pinuno!" sabayang tugon ng mga naipong kawal. "Mabuti naman kung ganoon. Magsipaghanda na kayo dahil anumang oras ay aalis na tayo. Hintayin lamang natin ang go signal ng mga post dragon na nauna upang magmanman." Ang upuan na tanging Pinuno lamang ang maaring maupo. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating nga ang post dragon. Anyong dragon ito kaya't naging mabilis din ang pagbalik mula sa kabilang kaharian. "Report!" Nag-angyon

