"BOSS, tama ba ang ginawa nating destruction? Sorry for saying this, but look at them," ani Romero sa amo. "Kung may hahangaan ka sa pamilyang iyan ay pagiging family oriented. Ibig sabihin ay pamilya muna bago ang iba," bagkus ay sagot nito. Kaya naman ay napalingon siya rito. Aba'y sino ba ang mag-aakalang ganoon ang isasagot nito sa kaniya? Simula naging amo niya ito ay alam niyang abot hanggang langit ang galit sa pamilya Cameron. Ngunit mukhang hinahangaan din naman. Nagkaroon na ba ng milagro na hindi niya nalaman? Kaso! "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Romero. Dahil mahigit isang dekada rin kaming magkatrabaho ni Cameron. Mula noong mga baguhan kami hanggang sa kasalaukuyan. Bilang co-workers ay nagkakaanyayahan kaming lahat. Kaya't nakilala ko na rin ang mga magulang at ilang

