"ALAM mo bang diyan kita tinalo, Brother Miguel? Dahil madali kang magtiwala. Malambot ang iyong puso. Kahit makalabas ka sa underground na ito ay ako pa rin ang paniniwalaan ng lahat. Alam mo kung bakit? Dahil iisa ang mukha natin." Tumatawang pahayag ng impostor at greedy na si Martinez. "At iyan ang labis-labis kong pinagsisihan, hayop ka! Nakuha mo na ang lahat ngunit hindi ka pa rin nakuntento! Ilang taong-bayan na ba ang iyong pinatay dahil sa kasakiman mo? Sa lahat na yata ng sangay ng gobyerno ay mayroon kang itinalaga. Ngunit huwag kang magpakasigurado. Dahil kahit nakupya mo ang lahat ay limitado pa rin ang iyong kaalaman!" Sigaw na rin niya. Nagkaroon siya ng kaunting pag-asa ng napansing iilan lamang ang guwardiya sa seldang kinaroroonan. Ngunit nahuli rin siya habang papala

