Chapter Twenty Three The Overprotective Devlin Margareth Sandoval Isang linggo matapos ang insidente ay agad naman akong bumalik sa bahay namin ni Devlin para doon muling manirahan. Nang araw ding iyon ay hindi na nag-aksaya pa si Devlin na muli akong angkinin. Hindi ako tumanggi dahil maging ako ay nananabik sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang napaikot kaming lahat ni Sarah sa masama niyang balak. Mabuti na lamang ay nalantad na ang mga baho niya bago pa man mahuli ang lahat. Kinasuhan namin sila ni Devlin kaya naman kasalukuyan silang nakapiit sa kulungan pero dahil wala naman silang nagawang mabigat na kasalanan ay maaari ring mag-pyansa ang mga ito. Niloko niya ang pamilya ko at muntik nang masira ang pagsasama namin ni Devlin dahil sa kaniya. Natigil lang ang pagbabalik-tanaw ko

