Michael’s POV Simula pa lang ng makarating ako dito sa Pilipinas ay hindi na nakakatakas sa paningin ko si Zena. Kaya simula noon ay lagi ko na siyang sinusundan. Lalo pa ng malaman kong nagdadalang tao siya. Hindi man ako siguradong akin ‘yon ay palagi ko pa rin siyang pinagmamasdan mula sa malayo. Unti-unti ko rin tinanggap na wala na talaga kami. Masaya na akong nakikita siyang masaya kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Kaya ko lang naman siya pinagbantaan noon at gawing bed warmer dahil iyon lang ang tanging paraan na naisip ko para makasama siya at makita siya araw-araw. Kasi umaasa ako na baka bumalik ulit ‘yong pagmamahal niya sa akin noon. Lahat naman ng nagawa ko noon ay pinagsisisihan ko eh. Simula ng masilayan ko ang bata ay tila muli akong nabuhayan. Nanumbalik

