First day Drix’s POV Araw ngayon ng Lunes ngunit walang pasok si Rix dahil nagtext ang teacher nila na hindi daw ito makakapasok ngayon dahil nagkasakit daw ang anak nito, kaya naman naisipan namin ng anak ko na dalawin at bigyan ng surprise lunch ang Mommy niya sa opisina nito. Kaya naman heto ako ngayon sa kusina para iluto ang paboritong ulam ng asawa ko. Tulad nga ng ipinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa mag-ina ko 'di ba? Kaya naman pumayag na rin ako sa suhestiyon ng anak ko, dahil sa totoo lang wala akong idea kong papaano ko aamuhin ang asawa ko. Tinanong ko ang anak ko kung ano ba ang hilig ng Mommy niya na kainin at sinabi nga nito sa akin na Afritada pala ang paborito nitong pagkain, kaya naman dali-dali kaming nag-grocery ng anak ko para bilhin ang mga ingredients. M

