Avery’s POV “Ano ba talagang meron, Bestie?” tanong ko sa kaibigan kong kay aga-aga ay nambubulabog sa tahimik kong buhay o sabihin na nating maganda kong tulog. “Ano ka ba naman, Bestie. This day is your big day! Kaya bumangon ka na diyan para maayusan na kita,” utos ng magaling kong kaibigan habang niyuyogyog ako sa kama ko. At tsaka, big day? Ano ba’ng meron ngayon? May okasyon bang hindi ko alam? “Big day?” takang tanong ko sa kanya na kung saan biglang nanlaki ang kanyang mga mata at agad na napatakip sa kanyang bibig na tila ba may mali sa nasabi niya. “Ah-eh, wala-wala. Ang ibig kong sabihin kakaen tayo sa labas. Alam mo na, get together, kasi okay na kayo ng asawa mo. Huwag kang mag-alala, tayo-tayo lang namang apat. Parang double date na rin.” “OMG! Oo nga pala, first day o

