CHAPTER 34: BIRTHDAY GIFT

4557 Words

Avery’s POV Ah! Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Hala! Alas-otso na pala! Naman oh! Iyong mag-amako hindi ko na naman naasikaso. Naka-alis na siguro ang mga iyon, tahimik na kasi ang buong bahay. Napangiti naman ako ng wala sa oras dahil sa kasipagan ng asawa ko. Mabuti na lang at inasikaso niya si Rix, kasi sigurado akong nagmamaktol na si Rix sa harapan ko sa kakasabing late na naman siya sa school niya. Isang buwan na ang nakakalipas pero, nitong mga nakaraan araw lagi na lang akong gumigising ng late, lagi rin akong nahihilo’t nagsusuka sa umaga. Tulad ngayon, umiikot na naman ang sikmura ko kaya naman agad akong nagtungong sink para ilabas ang dapat ilabas. Pero tubig lang naman inilalabas ko. Parang naramdaman ko na ang ganitong pakiramdam dati. Hindi kaya buntis na ako?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD