Avery’s POV “Narito na pala lahat ng pinabili mo, Ija” sabi sa akin ni Manang. Siya ang tagapangalaga ng mansion namin. Matagal na siyang nagsilbi sa pamilya namin, wala pa ako sa mundo ay maid na siya ng parents ko. Siya rin ang nag-alaga sa akin noong baby pa ako kaya naman kahit may edad na siya ay hindi pa rin niya iniwan ang mansion dahil iyon na lang daw ang mai-aalay niya sa magulang ko. Sinabihan ko nga siya dati na hindi na niya kailangang gawin ‘yon dahil matanda na rin siya at may sarili siyang pamilya pero hindi siya pumayag lalo na nang malaman niyang nagdadalang-tao ako. Kaya nagprisinta na siya na alagaan ako, tutal iisa ko lang daw dito sa bahay at walang mag-aalaga. Hindi na rin kasi nakabalik si Mira dahil nagkaroon daw ng problema sa Company nila kaya nanatili pa siya

