Unedited
Harold's POV
"Gomonin' classmates!" Gaya nang masiglang araw na ito ay ang masigla ko ring pagbati sa mga kalasmit ko.
Nakangiti ang aking mga mata habang pasipol-sipol akong patungo sa aking upuan.
"Hi, Dude?" Bati ko sa katabi kong upuan na ngayon ko lang nakita. Teka, baguhan ba 'to?
Lumingon ito sa akin at binigyan ako ng isang napakatamis na poker face. Poking ina.
"Kamusta ka na?" Feeling close kong tanong dito. Maasar nga.
Noong hindi niya ako sinagot ay pinindot-pindot ko ang kaniyang makinis na pisngi. s**t, bakit ang lambot?
Napatigil ako sa pag pindot sa kaniyang fluffy cheek nang salubong na kilay itong tumingin sa akin.
"Puta, lambot pa rin ng pisngi mo pare ah? Walang pinag bago." Masaya kong sabi dito, kunwari magkakilala kami.
"Did we met before?" Spokening engles niyang tanong sakin, pfft! Gusto kong matawa dahil mukhang naniniwala talaga siya sa mga pinag sasabi ko.
"Oo naman, ako to si Harold. Hindi mo na ba ako natatandaan? 'di ba ikaw si lito?" Napakunot noo siya sa tanong ko.
"No, I'm not Lito." salubong na kilay nitong sabi.
"Huh? Hindi ba? Siguro ikaw 'yong bespren kong si Kikoy?" Umiling-iling siya sa sinabi ko.
"Lucio?"
"No"
"Pedro?"
"Of course not"
"Juan?"
"Are you sure that we are friends before?" Nalintikan na. Mukhang wala atang sense of tumor este humor ang isang ito. Bukod sa englisero na seryoso pa.
"Ang totoo, ngayon lang kita nakita. transferee ka dito?" Seryoso kong Tanong dito.
Hindi niya ako sinagot at umayos na siya ng upo saka prenteng humarap sa pisara. Aba't suplado din pala 'to?
"Pare, ako nga pala si Harold, anong pangalan mo, Bata? Bakit ka malungkot? Pinagalitan ka ba ng mama mo kasi kinupit mo 'yong barya-barya niya sa ibabaw ng ref? Pinagalitan ka ba niya kasi nahuli ka niyang nanunuod ng porno habang nagjaja-----" napatigil ako sa pagsasalita nang galit itong tumingin sa akin.
"He-he" awkward kong tawa.
"Are you always like that?" Tanong nito sa akin. Ang alin? Ang pagiging gwapo?
"Oo, dati na akong ganito, dati na akong gwapo." Sagot ko naman sa kaniya na ikinasingkit pa lalo ng kaniyang mga chinitong mata.
Nalintikan na mukhang magiging karibal ko pa ata 'to sa mga chicks ah, gwapo din kasi to, eh. Lamang lang ako ng dalawang palugit este paligo.
"Wag mo na akong kausapin, you're not making sense at all" aba't ang sakit naman nito mag salita.
"Gan'yan ka na ba sa mga ex mo?" Drama ko na muli na namang ikina-kunot ng kaniyang magandang noo.
"Pagkatapos ng lahat? Ibinigay ko ang puso't kaluluwa ko para sayo tapos ganito lang? Am i not enough? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Sagutin mo ako ng No, with exclamation point."
"No?" Bopols! Sumagot naman,
"THEN WHY? WHY? WHYYYY?"
"Mr. Santiago! Why are you shouting at Mr. Linton?"
Napatingin ako sa mga classmate kong nakangangang nakatingin sa akin, pati kay Ma'am na matalim na tingin ang ipinukol sa akin, pati sa mga langgam at mga butiking natigil sa paglalakad makita lang ang taglay kong ka-gwapuhan.
"Huh? Ako? Ah, nagpapakilala lang ako dito kay Lito ma'am." sagot ko kay Ma'am habang turo-turo ko ang lalaking transferee na 'to.
"I said I'm not Lito" Galit na sagot sa akin ng baguhang ito.
"Ah. By the way, we have a new transferee from this class. Mrx. Linton will you introduce your self in front of us?"
Tumayo naman ito at dumiretso sa harap. Tangkad din pala ng isang ito, pero ayos lang mas gwapo parin ako.
"I'm Lucas Samonte linton, 19, transferee from Saint Vincent Academy. I transfered here because, " nag stop siya sa pagsasalita saka tumingin sa 'kin.
"I wanna try something new. . . Something Different, something crazy that I'd never done before." Makahulugan niyang sabi habang diretsong nakatingin sa akin, bakit ba siya ganiyan makatingin? Bakit sa akin siya nakatingin? At 'yong mga tingin niya, para akong hinihigop, teka! Inaakit ba n'ya ako? Wag mo sabihing bakla siya? Huwag naman sana dahil sayang iyong kagwapuhan niya.
Napakislot ako nang dumikit ang balat niya sa balat ko, nakabalik na pala siya.
"Pare, bakit ang sama mong makatingin sa akin kanina?" Pabulong kong tanong dito, baka kasi mahuli kami ni Ma'am na nag uusap mamaya ipalabas pa kami.
Lumingon ito sa kin saka ngumisi. s**t, ayan na naman iyong kakaibang tingin niya. Kinakabahan ako sa taong 'to, pakiramdam ko kasi may kahulugan 'yong mga tingin niya sa akin.
"I said don't talk to me, because you're not making sense." May pagka-masungit nitong saad sa akin.
"Lucas pangalan mo, 'di ba? Bakit ang seryo----" napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin, s**t! Nabigla ako kaya hindi ako naka react agad. Konting-konti nalang mahahalikan na niya ako.
Napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mata, bumaba hanggang sa kaniyang manipis at mapula-pulang labi. Napalunok ako, s**t! bakit ako kinakabahan?
"Pagkinausap mo pa ako ulit. . . Hahalikan na kita." Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at kinabahan din nang bigla niyang sabihin sa akin 'yong mga katagang iyon.
Tinulak ko siya ng mahina sa kaniyang balikat kaya napalayo siya sa akin.
Hindi ko na siya pinansin dahil pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga sa sobrang kaba.
Sabi ko na nga ba, bakla siya!
* * *
Matapos ang klase ko ng 4:30 ng hapon ay isa-isa na kaming nag sisilabasan ng room. BSBA ang kinuha kong kurso dahil feeling ko mas lalo akong gu-gwapo sa kursong ito. 'di niyo pa ba ako kilala? King ina, sa gwapo kong 'to di niyo ako kilala? Peymus ako uy, bakit di niyo ako kilala? Sige, pagbibigyan ko kayo na makilala ako.
Ako si Harold Santiago, 19. Graduating na ako at salamat sa diyos dahil biniyayaan niya ako ng kagwapuhan at kakisigan.
Matangkad ako sa height na "5'10", maganda rin ang aking pangangatawan dahil trice a week akong nag gi-gym. Hindi naman ako ganun kaputi pero di rin maitim.
Heartthrob ako sa school. Friendly at palabiro kaya naman marami talaga ang nahuhulog sa aking angking kagwapuhan. Naka dalawang girlfriend na ako pero ngayon single na ako. Ayaw ko munang mag lablyp dahil makakapag hintay naman ang kagwapuhan ko.
Naglalakad ako papuntang boarding house ko dahil malapit lang naman ito sa pinapasukan kong eskwelahan.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa bago kong classmate na si Lucas. napansin ko kasing kanina pa ito sunod nang sunod sa akin.
Isang ngisi lang ang sagot nito sakin. hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy nalang ako sa paglalakad.
Baka iisa lang kami ng daan pauwi.
Lumiko ako dahil short cut ito papuntang boarding house ko ngunit biglang kumunot ang noo ko nang maramdaman kong sinusundan pa rin niya ako.
Huminto ako saka muli siyang hinarap.
"Ano bang problema mo sa akin, ha? Sinusundan mo ba ako?" Hindi niya ako sinagot at tinitigan niya lang ako.
At dahil nga wala akong nakuhang sagot, nag patuloy na lamang ako muli sa paglalakad.
Nang makarating ako sa mismo kong boarding house ay muli ko siyang hinarap.
"Wag mo sabihing ito rin ang boarding house mo?" Tulad kanina ay hindi niya pa rin ako sinasagot.
Ngayon ay nilagpasan niya nalang ako at nauna na siyang naglakad sa pasilyo ng aming boarding house.
Sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Ang astig naman pala, Eh. Iisa tayo ng boarding house," Sabi ko sa kaniya. Huminto na ako sa aking kwarto at ganon din siya. Hinarap niya ako at matalim na tinignan.
"S-saan ang kwarto mo dito pa----" Nabigla, nagulat, nagulantang, napanganga at lumaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niya.
He kissed me.
Hinalikan niya ako nang mabilisan. "Hindi ba sabi ko sa'yo pag kinausap mo ako ay hahalikan kita?" Nakangisi niyang sabi saka niya binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Dumiretso siya papasok saka niya ibinagsak ang katawan sa kaniyang kama.
Naiwan akong nakanganga habang nakatingin sa kaniya.
Huwag niyo sabihing room mate kami? Huwag niyo sabihing araw-araw kaming magkasama? Huwag niyo sabihin, please!
Pumasok ako ng kwarto at nakita ko siyang nakapikit na. Hinawakan ko iyong labi ko na hinalikan niya kanina.
Tama nga ako, bakla sya.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin iyong lambot ng labi niya sa labi ko.
Bakit ganito? Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit hindi ko magawang mandiri?
Bakit parang. . .
Nagustuhan ko iyong mga halik niya?
Shet!
Hindi! Mali 'to! Maling-mali itong nararamdaman ko.
Pero iba ang sinasabi ng isip ko.
I want more kiss from him..
Shit! Uy, di ako bakla ah.
* * *
Sana nagustuhan niyo to guys!
Vote and comment kung gusto nyo ang paumpisa ng story na'to,
Paki-spread narin para mas marami tayo.hahaha!
Salamat!