MARIING pumikit si Alessandra. Kinagat niya ang dila nila ng sa gayon ay maramdaman niya ang pisikal na sakit kesa sa sakit na dulot ng masasakit na alaala. Mas alam niyang pakitunguhan ang pisikal na sakit kesa sa emosyunal na sakit na pumapatay sa kanyang kaluluwa. Pero kailangan niyang isiwalat kay William kung sino talaga siya. “N-nagising ako sa isang putok ng baril…” pumikit siya, hindi maiwasan na pumasok sa kanyang gunita ang pangyayaring hinding-hindi niya malilimutan. Ang tunog ng baril ang gumising sa pitong taong si Alessandra. Kumalabog ang kanyang dibdib sa sobrang takot. Gusto niyang bumangon ngunit napahina ng kanyang katawan dahil sa asthma. Ni hindi siya makapaglaro dahil sa kondisyon niya. Ngayon nga ay may dextrose siya dahil patuloy ang pamamayat niya. “M

