PAREHO silang hindi makapagtimpi. Ipinasok ni William ang motor sa unang motel na nakita nito. Naging napakabilis ng naging transaksiyon sa front desk, nakakuha agad sila ng silid. “Humanda ka. I’ll show you no mercy,” pilyong banta sa kanya ni William nang binubuksan na nito ang silid. “Hindi na ako makapaghintay pa,” ganti naman niya, at totoo naman iyon. Nabuksan ang pinto. Agad siyang hinapit ni William at siniil ng halik habang ipinapasok ang mga sarili nila sa loob. Narinig na lang niya ang pagsara muli ng pinto na marahil ay sinipa lang pasara ng binata. Gumanti siya ng halik, mas malalim mas mapusok, mas mapaghanap. Her hand roamed restlessly into his body. Hindi siya magkandatuto sa kung alin ang uunahin niyang hawakan, kung alin

