MARIA GRACE’S POV
NILUKUBAN AGAD AKO ng kaba sa dibdib ko ng hindi makapa ang pamangkin. Dumarubdob sa bilis ng pagtibok ang puso ko ng makabangon ng mabilisan.Nahulog na nga ang kumot sa sahig dahil sa paghawi ko ng biglaan.Dali-dali rin akong lumapit sa may pinto at binuksan agad ito.Patakbo rin ako bumaba at dahil sa kakamadali ko ay muntik pa akong mamali ng apak sa baitang ng hagdanan.
“Rap-Rap!”
Malakas at nanginginig ang labi na sigaw ko ng makababa.Humakbang ako patungo sa pintuan pero agad rin natigil ng may magsalita.
“Magandang umaga ma’am,”
Mabilis na nilingon ko ang nagsalita at nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka ng malingunan ang isang babae.Bahagya rin kumunot ang noo ko pero agad rin napalis yun ng mapansin sa bisig nito ang aking hinahanap.Si Rap-Rap!
Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin para makalapit agad dito.Agad ko rin kinuha mula sa bisig nito ang pamangkin at niyakap ng mahigpit na akala mo ba ay matagal na hindi nakita.
“Tinakot mo ako utoy!”
Bulong na bulalas ko dito habang yakap pa rin.Saka ko lang naalala na may babae pa nga pala na iba kung hindi pa ito tumikhim.
“Hello po ma’am,”
Umayos ako ng tayo bago binigyan ng tipid na ngiti ito.Nahiya ako bigla dahil hindi pa ako nakakaayos at saka isa pa baka mamaya niyan may kayat pa ako ng panis na laway.
“Anong pangalan mo?”aniya ko dito.
“Ako po si Heavenly Angel pero tawagin mo na lang po ako ma’am na Heaven o Angel. Apo po ako ng kasambahay ni sir Hermes dito po sa bahay.”
“Ah,okay.Ako nga pala si Maria Grace at ito naman si Raphael short for Rap-Rap,” pakilala ko rin dito at sa pamangkin ko. Tumango lang si Heaven bago niyaya na ako nito pa kusina para makapag-almusal na tinanggihan ko naman at nakisuyo dito na bantayan sandali ang pamangkin para makapagbihis ako na siya naman mabilisan kong ginawa.Wala pa yata isang oras na nasa banyo ako ng makatapos maligo. Paspasan ang ginawa ko dahil nakakahiya kay Heaven.
“Tapos na ako Heaven akina si Rap-Rap. Pasensya ka na huh,”
“Naku wala po yun ma’am.Sandali lang po ihayin ko lang po ‘tong almusal mo,”
“Sige salamat.Kumain ka na ba?Sabayan mo na ako at nandyan ba si—”
“Si Sir Hermes po ba?Naku maaga po umalis.Nagulat nga po si lola ng tawagan ng maaga ni Sir kaso may sakit pa po si lola kaya ako lang ang nagpunta dito,”
Aniya nito ng putulin ang pagsasalita ko kanina.Tumango-tango ako dito habang pinagmamasdan ito.Mukhang kaedaran ko lang rin ito.Maganda at may angelic face na natural si Heaven.
“Salamat Heaven.Kain tayo,”alok ko dito ng mag-umpisa na akong kumain.Umiling naman ito at sinabing tapos na ito.Kumain na rin daw si Rap-Rap kaya naman ako lang mag-isa ang kumakain.
“Ilang taon kana Heaven?”maya-maya ay tanong ko dito.
“Seventeen po ma’am Maria,”
“Oh, mas matanda lang pala ako sayo ng isang taon.Kailan ka mag dedebut?”
“Sa April 02 po ma’am,”
“Ah ilang months na lang pala ang birthday mo at saka Maria o Grace na lang itawag mo sa akin.Alisin mo na ang ‘ma’am at ‘po’ nakakailang kasi, hindi pa naman ako sanay at saka isang taon lang naman ang agwat ng edad natin.”aniya ko dito sabay ngiti ng bahagya na ngumiti rin pabalik sa akin.
“Sige ma— este Maria pala.”
“Friends na tayo huh,”saad ko pa dito na tumango lang.Dahil doon ay naalala ko bigla ang bestfriend ko sa probinsya.Nalungkot ako bigla dahil hindi ko pa ito nakokontak tsaka isa pa wala naman akong selpon.
“Ayos ka lang ba Maria?”
“A-Ayos lang ako Heaven.May naalala lang. Oh siya akina si Rap-Rap masyado na kitang naabala.Wag mo na hugasan yan pinagkainan ko ako na bahala dyan maglinis,”
Nakangiting salita ko dito na agad nitong inilingan na ayaw pa nga pumayag pero sa huli ay sumuko din kaya ayon nagpaalam si Heaven na maglilinis lang sa ibang parte ng bahay.Hindi naman makalat o madumi dito sa bahay dahil kahit paano ay nagkukusa akong maglinis.Sa may garden sa likod kami tumambay ni Rap-Rap para sumagap ng hangin at dahil sa katahimikan ng paligid ay sumagi bigla sa isipan ko ang namagitan sa amin kagabi ni kuya Hermes.Kusang tumaas ang kamay ko para hawakan ang sariling labi.
“Si kuya Hermes ang first kiss ko,”
Bulong ko sa hangin sabay buga ng hangin.Napatingin rin ako kay Rap-Rap na nasa mat sa lapag at naglalaro ng laruan.Kagat ang labi na tumingala ako sa asul at maliwanag na kalangitan.Umusal rin ako ng kapatawaran sa kapatid dahil sa hinayaan ko ang sarili na mahalikan at ang masaklap pa ay sa ama pa ni Rap-Rap.Hindi pwede na mahulog ako sa lalaki dahil hamak naman na mas matanda ito sa akin at saka isa pa bawal dahil gusto kong mag-madre kaso nadungisan na ako—ang labi ko at ang kalahati ng katawan ko.
Ilang oras rin kami doon hanggang sa hindi ko namalayan ang oras—oras na para sa tanghalian.
“Maria, dyan ba kayo kakain ni utoy?Dalhin ko na lang dyan ang niluto ko ng pagkain,”
Sigaw ni Heaven sa hindi kalayuan.Tumango ako dito.
“Sige Heaven.Sumabay ka na rin sa amin. Malungkot kumain mag-isa,”
Nag-thumbs up lang ang kausap na nakangiti at ganun na nga ang nangyari sabay kami nitong kumain kaya napuno ng tawanan.Kung ano-ano rin ang napag-usapan namin at nabanggit ko rin dito ang sitwasyon namin at kung bakit kami nandito sa bahay ni kuya Hermes.
“Wow kaya pala kahawig ni sir si Rap-Rap. Anak pala nga siya ni sir Hermes pero sayang kasi wala na ang ate mo Maria.Alam mo ako din ulilang lubos na sa magulang.Si lola ang nagpalaki sa akin kasi yung nanay ko ay inabandona na ako sanggol pa lang at simula’t sapul walang balita si lola sa anak niya at ang tatay ko naman ay hindi ko kilala pero nasabi ni lola na ibang lahi ito.”
Nakaramdam ako ng awa para kay Heaven. Same lang kami nito pero ang pinagkaiba lang ay may lola pa itong kasa-kasama sa buhay samantalang ako tanging si Rap-Rap na lang.Bahagyang ngumiti si Heaven pero mababakas sa maganda nitong mukha ang lungkot.
“Kaya pala ang ganda ng mga mata mo Heaven.Ngayon lang ako nakakita ng taong may green eyes at ang pilikmata mo natural na malantik kagaya ng sa mga kilay mo na maganda at natural ang pagkakaguhit.” komento ko dito habang nakatingin dito.Ngumiti lang ito kaya napangiti na lang din ako.Nag-usap pa kami sandali bago pumasok sa loob ng bahay.Nabanggit rin ni Heaven na mag-stay in ito ngayon ayon na rin sa kagustuhan daw ni kuya Hermes.Hindi ko man alam ang dahilan ay hindi ko na inalam pa.Atleast may ibang tao na silang makakasama at saka isa pa mukhang walang balak na umuwi si kuya Hermes ngayon dahil madilim na sa labas ay wala pa ang presensya nito.Sabagay mas mabuti na rin na wala ito dahil hindi ko rin alam kung paano ito pakikiharapan matapos ng nangyari sa amin sa kusina.Sobrang maiilang ako kung sakali at ang hiya ko ay lalo lang ako lalamunin.
Lumipas na ang ilang araw na hindi umuuwi si kuya Hermes.Nagtataka ako at sa isang banda ay nag-aalala na rin.Si Heaven at ang lola nito ang kasama namin sa ilang araw. Mabait si Manang Luz na mukhang dito namana ni Heaven ang ganung katangian. Nahihiya naman ako magtanong kay Manang kung tumawag na ba si kuya Hermes o ano pero ngayon araw ay hindi ko sinasadya na marinig ang pakikipag-usap ni Manang sa selpon nito sa kung sino.At kung hindi ko pa narinig na tinawag nitong ‘Sir’ ang kausap ay hindi ko malalaman na si kuya Hermes na pala iyon.
“Manang si k-kuya H-Hermes po ba yan?”
Mahinang tanong ko dito na tumango agad sa akin.Nagsalita ako muli sa mahina pa rin na boses at sinabi sa matanda na kung pwede ko makausap sandali ang nasa kabilang linya.Agad naman iniabot ni Manang sa akin ang hawak nito.
Nagpasalamat ako dito bago inilagay sa tapat ng tenga ang hawak na selpon.
“H-Hello…K-Kuya…H-Hermes?”
Nautal ko pa na salita matapos makalayo ng bahagya kay Manang na bumalik na sa ginagawa nito.
“What!?”
Napangiwi ako sa narinig na himig na boses nito.Mukhang hindi maganda ang mood nito kaya hindi agad ako nakasagot.Dumarubdob din ng mabilis na pagtibok ang puso ko.
“K-Kailan ka uuwi?”
Nakagat ko ang sariling labi dahil sa naging tanong ko dito.Parang hindi bagay ang tinanong ko.Napahawak ako sa may dibdib dahil sa mas lalo pang pagbilis ng t***k ng puso ko.Lumalagabog ng malala kasi!
“Why!?”
“Ah…Eh…W-Wala…S-Sige-sige bye!”
Nataranta kong bulalas sabay baba ng hawak na selpon sabay hinga ng malalim at muling nilapitan si Manang para ibalik dito ang selpon nito.Hindi ko naman pinatay ang tawag kaya alam ko na nasa kabilang linya pa si kuya Hermes. Hindi ko na rin pinakinggan pa ang pinag-uusapan ng mga ito.Pinuntahan ko na lang sa may sala sila Heaven at ang pamangkin ko.Busy sa paglalaro si utoy pero ng makita ako ay tumayo ito ng makakapit sa may sofa.
“Ma…ma…ma…mama!”
Salita ni Raprap na ikinalaki ng mata ko dahil yung huling binigkas bito ay buong kataga ng ‘mama’.Agad ko itong nilapitan at lumuhod sa harap nito.
“Anong sabi mo utoy?Ulitin mo nga?”aniya ko dito na agad kumunyapit sa leeg ko.
“Ma…ma…mama…de…de…de…”salita nito na ikinalawak ng ngiti ko.Napapalakpak rin si Heaven na ginaya ni utoy nsabay kawala ng munting tawa nito.
“Wow ang bebe namin kaya ng bumigkas ng tuwid!Yehey,”si Heaven na bahagyang kinurot sa pisngi si utoy.
“Awww…Nakakatuwa ka utoy nakakabigkas ka na ng mga salita.I love you bebe Raprap namin,”aniya ko sabay pupog ng halik dito na humalakhak lang dahil hinalikan ko rin sa may leeg kung saan may kiliti ito.Matapos ang lambingan naming mag-tita ay pinagtimpla ko na ito ng gatas na agad dumede at nakatulog sa mga bisig ko.Alas diyes pa lang ng umaga ng mga sandali na yun at para bang kay bagal ng oras dahil nakakabagot at inip ang maghapon!
Hiniling ko na sana ay bumilis naman ang pag-ikot ng oras at dahil naging abala ako makatapos matulog ng pamangkin ay hindi ko naramdaman ang pagdaan ng oras.Gabi na naman at bukas ay panibagong umaga muli na masisilayan.