HERME’S POV
TANGHALI NA NG MAGISING ako kaya naman nagpasya na lang ako na wag na pumasok muna sa opisina.Tinawagan ko na lang ang sekretarya ko para ipaalam ang hindi ko pagpasok.May hang-over din ako kaya mas gusto ko ang matulog na lang buong araw.At ganun nga ang ginawa ko.
Ilang araw pa ang lumipas na trabaho, condo at bar ang ginagawa ko.Hindi pa rin ako umuuwi sa bahay ko.Hindi ko maintindihan kasi ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako.Damn it!Hinihintay ko rin ang resulta ng pinasuyo ko sa kaibigan na paternity test kaya isa pa yun sa rason ko bakit until now ay halos sa condo ko na muna ako tumira. Minsan nagkrus muli ang landas namin ni Andrea at kagaya ng una naming pagkikita ay may nangyari muli sa amin.We having sēx again.
“Kumusta po dyan, manang?
Mahinahon na tanong ko sa katiwala sa bahay ko isang araw ng tawagan ko si Manang Luz.
“Sir Hermes kayo po pala.Maayos naman po dito ang mag-ina nyo.Hindi po umaalis ng bahay si ma’am Maria.Naku kabait na babae at matulungin din bukod sa maasikaso sa bata eh marunong din sa mga gawaing bahay.Kayo po sir kumusta po kayo?Pag kailangan nyo po ng isa sa amin ng apo ko magsabi lang po kayo,”
Masiglang kwento ni Manang na ikinapikit ko pa dahil sa sinabi nitong ‘mag-ina’. Napahinga ako ng malalim at hilot ng bahagya sa sintido ko.Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni Manang.
“Mabuti po kung ganun manang.Basta pag may kailangan ho kayo dyan sa bahay magsabi lang po kayo sa akin.Okay lang din po ako—”
Natigil ang pagsasalita ko ng may madinig na mahinang boses na para bang kinausap si Manang at hindi nga nagtagal ay boses na ni Maria ang sumunod na narinig ko.
“H-Hello…K-Kuya…H-Hermes?”
Napapikit ako at padarag na naupo sa gilid ng kama ko ng marinig na naman ang tinuran na pagtawag sa akin ni Maria ng ‘kuya’ na ikinaiinis ko sa hindi ko mawaring dahilan kung bakit.Pakiramdam ko pa na parang ang tanda-tanda ko na.Damn it!
“What!?”
Aniya ko dito kalaunan sa walang kabuhay-buhay na boses at magkasalubong ang kilay ko.
“K-Kailan ka uuwi?”
Natigilan ako sa naging tanong nito at itong puso ko biglang tumibok ng mabilis na akala mo ba ay nakikipagkarera.Napahilot din ako sa bridge ng ilong ko.”What the heck?!” mahinang bulong ko sa sarili ng may bahagyang ngiti sa labi ko ang sumilay at parang may kung anong emosyon akong nadarama.I felt like I miss her voice suddenly.Tang*na nababaliw na ata ako or what?Umayos ka Hermes!kuwestiyon ko sa isipan at saka huminga ng malalim bago nagsalita sa seryosong boses.
“Why!?”
Saad ko dito sa seryosong-seryoso ang boses.Dinig na dinig ko rin ang bahagya nitong paghinga kaya napakagat labi ako para magpigil na sumilay na naman ang ngiti sa labi.
“Ah…Eh…W-Wala…S-Sige bye!”
Sagot nito sa akin sabay patay sa tawag.
“What the freak?Tang*na!That woman,”
Aniya ko sa naiinis na himig.Nakaramdam kasi ako ng inis ng pagpatayan na lang bigla ng tawag.Damn it!Wala na ang kausap pero heto pa rin ako nakatitig sa aking selpon at lukot ang gwapong mukha.
“Tatanong-tanong tapos pagpapatayan lang ako ng tawag.Tsk!”bulong ko sa hangin bago binaba ang selpon sa kama at saka tumayo para gumayak na patungo sa trabaho.
Inabala ko na lang ang sarili sa trabaho at kabilaang meeting kaya naman ng matapos ang working hours ay pagod na pagod ako at halos malipasan na ng dinner dahil nakatulog rin agad ako ng makarating sa condo ko.
Dumaan pa ang isang linggo bago ko natanggap ang email ng kaibigan at ang mensahe nito kaya naman ngayon araw ng biyernes ko pupuntahan sa ospital ito para kunin ang result ng pinasuyo ko dito. Although may sinend na ito sa email ko pero mas gusto ko pa rin makita at mahawakan personally ang dokumento.Sa totoo lang ay kabado ako ngayon dahil sa pwedeng maging resulta na mababasa.Kumakalabog ng husto ang dibdib ko kaya naman ng makarating sa ospital ay kinalma ko pa ang sarili bago bumaba ng sasakyan ko.Sakto naman nasa may entrance na ang kaibigan at hinihintay ako.
“Pre akala ko hindi ka na darating eh,”
Nakangising sambit ng kaibigan sa akin na inilingan ko lang bago inilahad ang kamay dito.
“Gago!Nasaan na ang kailangan ko?”
Aniya ko dito na tumawa lang sa akin bago iniabot ang isang envelop.Kinuha ko agad ito dito at saka nagpaalam na rin.Tumango lang ang kaibigan sa akin kaya naman dali-dali akong bumalik sa sasakyan ko para doon buksan at tingnan.Pagkapasok ko sa loob ay huminga pa ako ng malalim bago binuksan ang hawak.Halos manginig ang kamay ko kaya napapamura ako.I felt coldness in my body and I’m shivering into something I can’t explained.Dahan-dahan na inilabas ko sa envelop ang papel at agad na binasa ang nakalagay doon.
“Oh goddamn it!Putang*na!”
Malutong na sambit ko ng makita ang resulta sa pinakababa.It’s positive and I’m literally the biological father.May kung anong saya ako na nadama sa kaibuturan ng puso ko.Hindi ko maipaliwanag pero agad rin napawi ang saya na nadarama ng maalala si Seleste.A strange pang of pain scattered to me awhile.Dahil sa biglaang pag-alala sa dating nobya ay hindi ko alam kung bakit tinatahak ko ngayon ang daan palabas ng maynila.Ang papunta sa lugar kung saan nakatira sila Seleste.I don’t know why I did this, it’s felt something like an urge on my mind push me to go there, to go back there today.Kahit kailan ay hindi ko nalimutan ang lugar na ito sa puso at isipan ko.
Huminto ako sa hindi kalayuan at tinanaw ang dating bahay nila Seleste.Tahimik at wala akong nakikita na ibang tao.Bumaba rin ako sandali at pinagmasdan ang bahay na akala mo ba ay isang magandang obra. Naalis lang ang tingin ko doon ng may narinig na mga boses.
“Bakla ang pogi nun oh!”
Dinig ko na salita ng isang babae habang papalapit sa gawi ko.
“Oo nga noh.Ano kaya ginagawa niya dito sa lugar natin at bakit kaya siya nakatingin sa dating bahay nila ate Seleste?”aniya naman nung isa pa na babae na nakapukaw sa aking atensyon.Nakalampas na ang mga ito ng magsalita ako.
“Sandali!”
Sigaw ko sa mga ito na huminto naman sa paglalakad.Humarap rin ang mga ito sa akin na nakangiti kaya bahagya rin ako ngumiti.
“Bakit po kuyang pogi?”
Salita noong isang babae sa akin.Pasimple rin akong huminga ng malalim bago nagsalita.
“Kilala niyo ang nakatira dyan?”
Kalmado ko na tanong sa mga ito na agad tinanguan ng babae kaya nagkaroon ako ng interes sa sasabihin nito.
“Opo kuyang pogi.Bahay po yan nila ate Seleste at bestfriend ko naman po ‘yung nakakabatang kapatid niya.Si Maria Grace po ang pangalan kaso nga lang po wala na sila dyan.Lumuwas po kasi ng Maynila ang bestfriend ko na ‘yun ng mabenta ang bahay
at saka wala na rin po si ate Seleste—patay na po kaya ayon umalis na rin si Grasya kasama ang pamangkin nito.Hay wala nga lang po ako balita sa kanya at sana maayos lang ang kalagayan nila sa Maynila,”
Mahabang litanya nito na nagpalaglag sa panga ko dahil sa gulat.Hindi agad nag-sync in sa isipan ko.So kaya pala hinanap ako ng babaeng ‘yun?Damn!aniya ko sa isipan.
“Hoy Becky ang daldal mo.Tara na nga.Bye po kuya pogi,”aniya naman nung isang babae sabay hila dun sa Becky ang pangalan na nagsalita sa akin ngayon-ngayon lang.
“Sige, salamat.”maikling tugon ko bago dali-daling pumasok muli sa loob ng sasakyan.Inilabas ang selpon at idinayal ang numero ng kaibigan na pwede tumulong sa kanya.Habang hinihintay na sagutin ng kaibigan ang tawag ko ay hindi ako mapakali. “Damn it!” mahinang bulalas ko ng nakatatlong subok na ako ng pagdayal ay hindi pa rin sinasagot ng kaibigan.Binuhay ko na lang muna ang makina ng sasakyan at nagmaniobra paalis doon at habang nasa daan ay sinubukan ko muli idayal ang numero ng kaibigan.
Humahagibis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan habang nasa kalsada.Hindi ko maintindihan ang dapat na maramdaman sa mga nalaman.Bakit nga ba hindi ko naisip na itanong sa Maria na iyon ang tungkol sa kapatid nito at bakit nga ba lumapit sa akin ito.Shit!Ngayon may ideya na ako pero kailangan ko pa alamin talaga ang lahat.Sa ikaanim na ring ng pagdayal ko ay saka pa lang sinagot ng kaibigan.
“Trex!”